1

25 11 9
                                    

Prologue

If my tears could cleanse my sin for loving you then why would I doubt to cry every all day and night?”
-Yasser

–––

"It’s midnight...Goodbye.” ~ Cinderella.

this must have been hard. And she said “Goodbye” three whole times! Cinderella teaches us to honor our agreements no matter what.And cinderella teaches us that nothing last forever.

Tumingin ako sa aking orasan.I smiled bitterly.Sampung minuto na lang ay matatapos na ang gabing ito.Matatapos na ang maligayang  oras sa buhay ko.Hindi lamang ang gabi ang matatapos kundi ang relasyon naming dalawa.

Relasyon na hindi nagsimula ngunit naririto at handa ng magtapos.Malamig ang ihip ng hangin ngunit hindi ko maramdaman ang lamig dahil sa init na ibinibigay niya gamit ang kaniyang tuxedo na isinuot niya sa akin upang hindi ko maramdaman ang lamig.

Ang mga tao ay nagsasaya at hinihintay ang pagsapit ng alas dose.Ang mga tao ay masayang nagsasayaw at masayang nagbabatian sa isa't isa.Gustong gusto magpakita at magpasikat.

Life is so unfair for me...for him...

I want to scream that he's mine  but I'm too feeble.

Habang nasa terrace at naka upo sa diretsong upuan katabi ang lalaking minsan ko lang nakilala at minahal ng lubusan habang nakapatong ang aking ulo sa kaniyang balikat ang kapirasong luha ay hindi na napigilan na pumatak.

“You are splendiferous tonight,honey.”his deep yet sweet voice is the reason why my heart jump and beat faster.

“Ang iyong kagandahan ay mas makapangyarihan pa kaysa sinag ng araw.”dagdag niya kaya natawa ako ng mahina.

“Ano naman ang koneksyon ng sinag ng araw?”tanong ko sa kaniya

“Sa tuwing tinitignan ko ang sinag ng araw kaya kong tumititig rito ng limang segundo ngunit sa tuwing susubukan kong titigan ka ay hindi ko magawa at gan'on ka makapangyarihan para sa akin.”mahabang litanya niya.

Bagama’t hindi ko nakikita ang aking repleksyon ay batid kong namumula na naman ang aking pisngi dahil sa salita na kaniyang binanggit.

“Mahal na mahal kita,Sace kung alam mo lang kung gaano ako handang sumugal mapa sa akin ka lang.”

“But you hate everything about me.You,hypocrite.”saad ko sa kaniya at inalis ko ang pagkakapatong ng aking ulo mula sa kaniyang balikat.Nang iinit ang aking ulo maging ang aking dugo.

“But the more you hate the more you love and that hate lead me to loving you.”saad niya sa akin kaya heto ako natagpuan ko ang aking sarili na bumabalik sa kaniya.

Bakit pakiramdam ko ay kasing rupok ko ang kahoy na nababad sa tubig ng isang taon?I should not be this one!

“But the more you love the more you get hurt,Yasser.”saad ko sa kaniya

“Hindi mo ba iyon gusto?ang masaktan dahil gusto natin ang isa’t isa?”tanong niya sa akin kaya agad akong sumagot sa kaniya.“I don't want that.”saad ko at ngumiwi.

“Then what you want?”tanong niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at sumagot.“Simple lang...ikaw”ngiti ko at napansin ko kung paano niya iiwas ang kaniyang tingin at pigilin ang ngiti.

“Gross,kinikilig ang isang Yasser.”tawa ko at umiling.

“Limang minuto na lamang at gigising na ako sa aking kinagisnang kwento.”malungkot na saad ko at naramdaman ko ang pagdaan ng aking luha sa aking mukha.

Wala akong natanggap na kahit anong salita na nanggaling sa kaniya kaya inalis ko na ang aking ulo sa kaniyang balikat ngunit naramdaman kong maingat niya itong ibinalik.“Just stay.”saad nya sa akin kaya hindi na ako nagpumiglas pa na sawayin siya.

“Kung ang pananatili ay ang sagot upang puwede tayong magkasamang dalawa ay gagawin ko.”saad ko sa kaniya at umalis sa kaniyang braso at nagsimula ng tumayo at dinama ang hangin.

“Are you really sure about this?hindi ka lang ba lalaban para sa akin?”tanong niya sa akin.

“Gustuhin ko man lumaban ngunit alam kong talo pa rin ang kahihinatnan.”sagot ko sa kaniya.

“Ano ba ang mali kung mamahalin kita?”tanong niya sa akin.

Do I need to answer this?Do I need to hurt him even myself?

“Sa mata ng tao,batas maging sa mata ng Diyos ay mali itong relasyon na ito lalo na ngayon na...”lumunok ako at tumingala sa langit.I'm sorry.Kasabay ng pagtingin ko sa kaniya at pag sagot ay nalaglag ang luha galing sa aking kaliwang mata.“You are my step-cousin.”sagot ko sa kaniya at ang sunod naming narinig ay ang pagbati ng bagong kasal.

Yes,you're right...his tito and my mom is now new couple.

Tumayo siya ng may hinanakit at hinarap ako.

“You're happy...isn’t it?”tanong niya sa akin at napalunok ako dahil sa sinabi niya.

“We're over yasser,”saad ko sa kaniya at ngumiti.Sa aking pagtalikod ay naglaglagan ang luha ko galing sa aking kanan na mata at sumunod sa kaliwa.Talaga ba na kaya ko na siyang makita na hagkan ang iba?

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

“You can manipulate your tears but not your feelings.”saad niya sa akin kaya natigil akong maglakad ngunit 'di pa rin tumitingin sa kaniya.

“Have you forgetten that your mouth may lie but never your eye?”tanong niya sa akin kaya umiling lamang ako at maglalakad na sana muli ng hatakin niya ako at pinaharap sa kaniya.

We are too close na umabot sa punto na halos magdikit na ang aming mga labi.

“My Cinderella,before you run away may nakalimutan kang dalhin.”saad niya sa akin at ngumisi.Nangunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.

“Guess what is it.Like what Cinderella forgotten too.”saad niya sa akin kaya napa irap ako.

“A shoes?”tanong ko ngunit umiling siya.“You're wrong.”saad niya sa akin.“Then,what?”tanong ko sa kaniya

“A kiss from his prince...”he said and he kissed my virgin lips.

––
Pantone448C
––
Don't forget to vote,share and comment.

C for Cinderella's Missing Shoes(Letter Series #3)(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon