PROLOGUE

16 2 0
                                    

PROLOGUE

"Ano? Aalis ka?" Bumungad sa'min ang pinaka-nakakadismayang tanong ni Jazz.


Mag-iisang taon na mula noong binuo namin ang bandang Volume. Aminado akong malaki nga ang naging impluwensya ng pagiging magkakaibigan namin dahil naging maganda ang takbo ng banda namin for the past months.


Naging matagumpay din ang pagiging kilala namin hindi lang sa buong Campus ng West Horizon kundi pati narin sa iba't ibang schools.


Dagdagan pa ng mga Awards na natatanggap namin sa mga contest na sinasalihan dahil kada sumasali kami ay nauuwi namin ang Tropeyo ng pagiging Kampyonato. 


Wala eh, kami lang to. 


Ngunit hindi parin kami nakakatakas sa mga opinyon ng ibang tao. Kesyo hindi daw masikmura ng ibang tao ang mga ugali namin. Wala eh, ganito talaga kami. Magkaiba para saamin ang maangas at mayabang


Yun lang siguro ang hindi naiintindihan ng ibang tao sa mga asta namin. Lalo na sa asta ni Jazz. Kung titignan kasi ang mga kilos niya ay parang pagyayabang talaga sa ibang tao. Pero kung kilala mo na talaga siya, hindi mo masasabing masama siyang impluwensya.


Likas na talaga yun sa ugali niya kaya naman kapag medyo sensitibo kang tao, malaking impact yun sayo. 


Naalala ko pa nung may gig kaming pinatos, may isang babaeng na love at first sight kuno sakanya. Lead singer namin siya kaya naman makukuha niya talaga yung atensiyon ng isang tao. Sa galing ba naman niyang kumanta, sinong babae ang di papatol.


Except nalang siguro sa'kin. Nakatatak na yan na walang patusan ng tropa.


"I like you," sambit ng babae sa mismong harap ni Jazz. Pulang pula ang pisngi niya at halatang nahihiya. 


Kakatapos lang namin nun mag perform at akmang pababa na nang biglang sumulpot yung babae sa harap namin.  Nagulat nalang kami nang biglaang nagreflect sa kanila yung spotlight. Kitang-kita tuloy ng lahat.


"Hindi ka naman siguro si Jollibee," ani Jazz sabay tingin sa babae. Nagulat naman yung babae si sinabi niya. Walang emosyon sa mukha niya pero halatang naiirita siya dito.


"Huh? Hindi ko gets," nakangiti parin yung babae pero halatang nagulat siya sa inasta ni Jazz. Wala kang mapapala diyan, Miss.


Humigpit naman yung kapit ni Jazz sa bag niya. Napipikon na.


"Hindi naman siguro Jollibee pangalan mo diba?" Ulit ni Jazz.


"Oh, I'm She-"


"Hindi ko tinanong," sagot ni Jazz at tinalikuran siya. Naglakad ito papunta samin at nagbuhat ng mga gamit. "Tara na."


Napasunod naman kami sakanya at naiwan ngang nakanganga yung babae pati na yung mga taong nakakita.

Musika ng Kahapon (Diary Series #2)Where stories live. Discover now