Prologue

49 5 0
                                    

Hadley's Pov

'Ooh I see you, see you, see you every time'

'And oh my I, I, I like your style'

'You, you make me, make me, make me wanna cry'

'And now I beg to see you dance just one more time'

"HAAAADLEEEYYY HINAAN MO NGA YANG TUGTOG MO KUNG SASABAYAN MO LANG DIN TANGHALING TAPAT ANG INGAY INGAY MONG BATA KA!!"

"Ano ma? Di kita maintindihan eh." pang aasar ko.

"Hinaan mo yang tugtog mo!"

"Ma, hindi talaga kita maintindihan" sabay tawa ko sa loob ng kwarto.

Nag antay ako ng ilang minuto pero wala na kong narinig na sigaw ni mama kaya nakinig nalang ulit ako sa tugtog ko at sumayaw sayaw.

'I never really knew that she could dance like this'

'She makes a man wants to speak Spanish'

'¿Cómo se llama? (Sí), bonita (sí)'

'Mi casa, su casa (Shakira, Shakira)'

Sa sobrang ganda ng kanta ay nagsasasayaw ako na parang ewan. Giling pababa, giling pataas at may pa kagat labi pa.

'Oh, baby, when you talk like that'

'You make a woman go mad-'

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si mamang may hawak na tambo pero yung pang walis yung hawak niya sa itaas at yung hawakan ng walis yung nasa baba.

"Anong ginagawa mong babae ka?" Takang tanong niya sakin

"Ah hehe, sumasayaw po Ma. Bakit po"

"Sabi ko diba hinaan mo yang letseng tugtog mo? Hindi mo ako marinig kase ang lakas lakas ng tugtog mo, kala mo ikaw lang nakatira sa bahay nato punyeta kang bata ka. Halika dito at ng maingungudngod kita sa speaker mo."

Mabilis akong tumakbo at tumalon papunta sa kabilang side ng kama ko ng makita kong itaas ni mama yung hawak niyang walis tambo.

"Opo opo, hihinaan ko na po Ma"

Mabilis na naglakad si mama sa side ko kaya tumalon ako sa kama at lumipat sa isang side.

"Hihinaan ko na nga po Ma HAHAHHAH"

Siguraduhin mo lang babaliin ko talaga sayo tong hawak ko"

Pikon pero natatawang naglakad palabas si mama ng kwarto pero bago siya makalabas ay may isinigaw siyang nakapag paisip sakin kung nanay ko ba talaga siya.

"Ang panget mo sumayaw, may pa hawak hawak kapa sa lamesa mo habang gigiling giling ka jan HAHAHAHHA ang sakit sa mata mabuti nalang maganda ka"

"Mana lang sayo, Mama kita e" sigaw ko pabalik.

Hininaan ko yung sounds ko at humiga sa kama at nagisip isip.

'Wala ba talaga akong talent? Lord bakit po kase kung kelan tulog ako tsaka kayo nag paulan ng talent, hindi po tuloy ako naambunan. Mabuti nalang talaga nung nagpaulan ng kagandahan gising ako at nagswiswimming pa'

Tumayo ako, lumapit sa salamin at umupo sa harap.

"ang ganda mo talaga te, oh! look yung ilong paaak! ang tangos and lips oh ang fenk fenk and oh! look yung kilay pak perfect! Haysss buti nalang talaga maganda ka HP."

My Boyfriend is an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon