Abby POV
Nasa salon ako ni Gwen. Kinulayan nya ang buhok ko pero yung sa bandang ilalim lang, highlights daw. Well, hindi kona sinama si Simon pala. Kasi baka mainip lang sya. Tska baka ano ano mga sabihin ni Gwen sakanya. “Sis, tawagin mo naman si mj para makasama naten” Sinabi ko sakanya. Tinitingnan ko sa salamin na nilalagyan nya ako ng kulay sa buhok.
“Ay naku, tinawagan kona. Oo daw pero may aasikasuhin lang daw sandali”
“Ahh osge, buti naman. Namiss ko kayo ng sobra. Hindi kana nyan busy no? Lagi na tayo magkakasama nyan.”
“Oo nga, musta si fafa simon? Baka may ibang babae yan ah” Biglang kumunot ang nook o sa sinabi nya.
“Tse! Wala sya no. “ Nakapout kong sinabi.
“Gano ka kasigurado? Binigay ba nya ang password nya? Nahihiram mo ba ang phone nya? May code ba ang phone nya? Hindi ba nya mabitawan phone nya?” Sunod sunod nyang tanong.
Napaisip ako, what if kaya? Pwes, hindi naman ako papatalo sa mga magiging karibal ko. “Wala sya. Tska wala naman ako napapansin” Bigla ko naman naalala yung picture pero hindi ko nalang sasabihin sakanya. Ayoko maging negative.
“Oo na sge na” Umirap lang sya sakin pero alam ko naman na pabiro lang yun.
Makalipas ang Isang oras may pumasok sa pinto ng salon ni Gwen.
Nakulayan na nya buhok ko kaya kwentuhan nalang kami ni gwen habang nanood. Meron din syang kasama na gumugupit. Bakla din.
Si Mj tska boyfriend nya pumasok. Nagsigawan kami ng magkita kita kami. Napatingin ang mga costumer na nirerebond ni Khaty, tska yung ginugupitan ni hanna.
Mga kasama ni Gwen sa Salon. Napatawa nalang din sila samin.
“Girl! I miss you! Loka ang sexy mo! Gumanda ka ah. Bat hindi ka man lang na stress sa trabaho mo.” Sinabi ko sakanya. Nagbeso beso kami at nagyakapan kaming tatlo. Nagkamustahan lang kami.
“Brad, gwapo mo ah” Yayakapin sana ni gwen si Nicholas Miller. Gwapo sya, matangkad, maputi tska Model, singer tska dancer nanood ba naman si Mj ng concert ni Nhick hindi man lang nya kami inimbitahan. Bukod sa Model, Singer tska Dancer na eh President pa sa kompanya nila.
“Hep hep, bawal hawakan si Mine. Ako lang ang nakakayakap sakanya. Hihihi” Sabi ni Mj tska nya hinawak kamay ni Nhick.
“Tse. Oo na. congrats satin tatlo may mga fafa na tayo.” Tumawa nalang kami sa sinabi nya. “Tara sa bahay nalang tayo” Malapit lang kasi bahay nya sa salon nya kaya pwede naman naming lakaran. Hindi naman kami maarte. “Sisters kayo na bahala ah gora muna kami babush” Naintindihan ko pa naman sinabi nya pero kanina habang hinihintay naming si Mj nanonosebleed ako sa mga salita nila. Ano yun? Alien Langguage? HAHA.
After 5 minutes nakarating na kami sa bahay ni Gwen. Pumunta kami sa malapit ng pool nya. Pinahanda ni Gwen sa maid nila yung dalang pagkain nina Mj kanina. Si gwen naman ay umakyat lang sandali may gagawin lang daw. Naiwan kaming 3 nagkwentuhan lang about sa mga hindi naming pagkikita nitong mga nakaraang araw o buwan.
“Musta na si Simon mo” Tanong ni Mj. Magkahawak sila kamay ni Nhick medyo nainggit ako sana nadito din si simon. Tahimik naman ni Nhick hindi kaya mapanis laway nya. Hahaha.
“Ok lang naman kame, masaya naman. Next week nga e pupunta kami ng Laguna for photoshoot to our wedding.” Proud na proud ko sinabi sakanya yon.
“Wow! Nice. Nagbabalak na din kami magpakasal ni Mine sa makalawang buwan pero parang mabilis naman ata. Paguusapan pa namin”
“Nakakatampo ka, kung hindi ko pala sasabihin sayo yung photoshoot naming hindi mo kami babalitaan” Nag kunot noo ako tska nag pout.
“Sasabihin naman sana naming pero dapat yung sigurado na. Ikaw maid of honor ko. Hehe!”
BINABASA MO ANG
Two Hearts Become One
Teen FictionA/N: This is my first time na gumawa ng story. Basahin nyo po sana.. Ilang araw ko pinag isipan yan and pinagpuyatan. Suportahan nyo po sana ako and kailagan ko din mga suggestions nyo. Thank you :) Pinalitan ko po ang title ng story. Copyright (c)...