Heto ako ngayon, nag-iisa sa loob ng silid nakabaluktot dahil sa lamig ng aircon.
Ang ginawa ko ngayon ay mga millennial stuff alam mo ba yung mga, pa scrolling scrolling sa facebook, manood nang mga tiktok videos at kapag na boring na, ikaw na naman ang gagawa ng video.
Ngunit pawang boring na boring na talaga ako kaya ngayon nakahiga na lang at nagbasa ng novel sa cellphone, yung Wattpad. Kapag na boringan na naman ako well, matutulog na lang.
"Sheesh.....ang lamig sobra.... brrr." sabi ko na nakangisi ang mga ngipin.
"Is this really my life now." bulong ko sa sarili tapos biglang tumawa.
Biglang tumunog ang gate. Malapit kasi sa kalsada ang bahay namin at yung kwarto ko naman ay nakatingin sa labas.
"Sino na naman kaya ang pumasok dito..... baka yung si Andy na naman. Ang inosente nang pangalan ngunit ang ugali basag baso na lang." sabi ko.
Si Andy kasi ay ang jowa o bf ng ate ko. E... tatlo kasi kaming magkakapatid at ako ang pangalawa, yung bunso namin ay lalaki. Bago pa siyang nag first year high school.
Pumikit na sana ako para matulog ngunit biglang.....
"Amy.....!"
Dahil sa kabiglaan, bigla akong tumayo at nahulog sa kama.
"Ano ba Maris? Bigla mo akong ginulat."
"E kasi.. pasensiya na ha."
"Oh ano?"tanong ko.
"Nakakuha na ako ng tickets para sa ating dalawa!"
"Para saan?"
"Sa peryahan, alam mo ba, tulog ka nang tulog diyan hindi mo alam kung ano ang gaganap dito sa probinsiya."
"Anong ganap?" tanong ko ulit.
"O, tingnan mo!" sagot niya.
"Pista dito sa lugar natin bakit hindi mo pa alam."
"Hmm...ewan ko."
"E, kung ayaw mo....ibigay ko na lang ito sa ate mo e kasi...gustong gusto niya talaga e." sambit ni Maris.
Si Maris Stella C. Magbanoa kung pwede ring tawaging Maris for short ay kaibigan ko nung bata pa. Hindi sila milyonaryo at hindi rin sila pulubi kundi normal lang sila.
Well, hindi niyo pa alam ang pangalan ko. Ako si Charlie Amelia B.
Schreir. My dad is a half Filipino and half American. While ang aking ina ay pure Filipina. Oo milyonaryo kami ngunit hindi kami greedy.Dali dali akong nagbihis dahil sa sinabi ni Maris. Tinulak ko muna siya sa labas e, censored e.
"Ah, maldita ka girl." rinig kong bulong niya sa labas.
Agad kung binuksan ang pintuan at hinila siya sa loob.
"O ano." sabi ko.
"Nagmamadali, nagbihis pa nga ako tara na." dali kong sinabi.
Tahimik siyang naglakad patungo sa labas. Wala kasi sina Mom and Dad kaya hindi kami nagpahintulot.
"Oy, hintayin niyo ko!" sigaw ng isang boses.
"Oy, teka lang!" sigaw ng boses ulit.
Lumingon ako sa aking gilid at oo nga si ate, tumakbo patungo sa amin ni Maris.
"Hintayin niyo ko nga sabi e." sabi ni ate.
Hindi ko lang kinausap si ate. Naka spaghetti shirt siya at naka black shorts.
BINABASA MO ANG
My Hater My Lover
Teen FictionIs it she.....is she be my one, were haters we don't like each other. I run to the roof top because I heard her screaming for help. I approached there and then what I saw almost burst me in tears and lift my spirit away. -Leading man