Chapter 8

604 30 5
                                    

Hahaha...Gosh! Hindi ko na talaga paano kayo haharapin. Nagpromise ako last pero di ko nagawa. Sorry talaga.
      
      
   

---------------------------------------------------------
      
 

   
     
Hindi ko lubos akalain na ganito ang makikita ko dito. Ang aga masiyado nangpangyayaring ito na nakita ko.
    
Kitang kita ko ngayon ang kahubaran ng katawan ni Zairon. Wala ni isang saplot.
   
Pero bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa katawan niya?
    
Hindi ko naman kasi maitatangi ang kagandahan ng katawan ni Zairon.
    
Ang braso nitong bato-bato. Pati narin ang walong pakete ng abs nito. Halatang alaga sa gym ang katawan nito.
   
Kahit naman sino ang makakita sa katawan nito ay masisindak. Nakakahanga lang na kahit tutok ito sa trabaho ay alagang-alaga parin nito ang katawan niya.
   
"Zairon! What the hell is this? What the fuck are you doing in this kind of place?! Without your clothes on."
Galit na galit na sigaw ni tita Zaz kay Zairon. Sabay kuha ng kumot na nasa paanan ni Zaz at ibinato ito sa kanyang pribadong katawan para takpan.
    
"Sleeping." Simpleng sagot ni Zairon at saka tumayo. Hindi man ito nagabalang takpan ang katawan nito at naglakad patungo sa baniyo.
   
"Sleeping?! The fuck Zairon! Sleeping without clothes on in this kind of place?!" Napaupo pa si tita Zaz sa kama. "Zairon, come on. In the up coming days you'll be the VCC chairman. What do you think would the board members think if they know this?!"
     
"Zairon, there's no one stopping you from taking rest. But, atleast rest at the right place. Zai, Casino?! Sleeping?! Who would believe in that words?!" Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha ni tita Zaz. Naiintindihan ko siya dahil malapit na nga naman pumalit si Zairon sa pagiging Chairman. Hindi naman talaga magandang tingnan na ang isang Chairman ay natutulog sa ganitong lugar.
     
Pagmulat ng mata nito ay lumingon ito sa amin tsaka kinusot ang mata at kinamot ang ulo. Mas lalong may kung ano sa pakiramdam ko ang hindi ko matukoy. Parang mas lalo siyang gumawapo sa paningin ko.
     
"Tita, chill. Go home tita. I'll handle this thing." Kinapitan pa ni Lance si tita Zaz. Sa magkabilang gilid ng kanyang braso.
     
Nakakita naman ako ng ref. Kukuha na sana ako ng tubig kaso pagbukas ko ay walang nakalagay. Sa tabi nitong lamesa ay may nakita akong bottled water. Sealed pa ito kaya sigurado akong malinis pa ito at bago.
   
"Tita, inom po muna kayo." Abot ko sa kaniya ng tubig. Binuksan ko na muna ito bago ko ito inaabot kay tita Zaz.

Kinuha ito ni tita Zaz at uminom ng kaunti. Inalalayan pa siya ni Lance sa paginom.
   
Matapos nitong uminom ay ibinalik nito sa akin ang bote. Tinatakpan ko ito ng biglang magsalita si tita Zaz.
    
"Blake, promise me. That you'll stay with Zairon no matter what happens.

That the Villareal's blood will remain in the company. Promise me." Hinawakan pa ni tita Zaz ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba.
   
Mangangako lang naman ako. Pero bakit ang hirap sumagot.
       
"Please Blake, promise me." Bakas na sa mga mata ni tita Zaz ang pagod. Magiging asawa ko si Zairon. Kaya ang hinihingi ni tita Zaz ay tungkulin ko.
    
"Opo tita, pinapangako ko po." Narinig ko nalang na may nagbukas na pintuan. Kaya napalingon ako sa may pintuan ng baniyo ni Zairon.
       
Nakatitig lamang ito sa amin. Nakabalot ang twalya nito sa bewang. Kitang kita mo ang makisig na katawan nito.
      
Na-alis na lang ang titig ko sa katawan ni Zairon ng biglang magsalita si tita Zaz.
    
"Lance, I'll head out first. Handle this situation." Malamig na sabi ni tita Zaz tsaka ito tumayo at tinungo ang daan palabas ng silid.
     
Napayuko nalang ako dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko dito.
    
"A-hm. Lance, sa labas na lang muna ako." Mas mabuti siguro kung sila nalang munang dalawa ang mag-usap. Hindi ko pa naman ganoon ka kilala si Zairon para makialam sa buhay niya. Hindi pa kami kasal kaya wala pa akong karapatan doon. Isa pa, sigurado akong alam na ni Lance kung ano ang dapat nilang pag-usapan ni Zairon.
      
"Sige lang. Maybe it's better if you'll just wait us in lobby. Para hindi ka naman mukhang tanga nakatayo diyan sa labas." Tama naman si Lance, pero hindi ko naman alam ang papunta sa lobby.
    
"Don't worry hindi ka maliligaw. I'm sure iniwan ni tita Zaz ang isa doon sa dalawang security guard. Kahit sino doon sa dalawa alam ang daan." Hindi ko naman sinabi na hindi ko alam ang daan papunta doon.
    
Nahihiyang ngumiti nalang ako kay Lance tsaka lumingon kay Zairon na ngayon ay tahimik na naka-upo sa kama at nakasandal sa headboard.
      
Hindi ko alam pero kapag nagtatangka na akong kausapin ito ay hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
     
Wala na talaga akong mahanap na lakas ng loob para kausapin ito kaya lumabas na ako. Paglabas ko ay andoon nga nakatayo ang isang security guard na kasama namin kanina.
     
Sinabi ko sa kaniya na sa lobby na nagpapaintay sila Lance at Zairon. Nakuha naman agad nito na hindi ko alam ang patungo doon.
     
Pasara na sana ang elevator namin ng biglang may sumigaw na babae.
    
"Mam/sir!, Please wait." Nagdadagasa itong humabol pasakay ng elevator. Nakasuot ito katulad ng suot ng babae kanina kaya sigurado akong staff ito ng Windford.
    
Hingal na hingal ito at halos gusot gusot na ang uniporme. Siya narin ang nagpindot ng button papuntang ground floor.
      
Gusto ko sanang alamin kung bakit ganun nalang ang pagmamadali niya kanina. Pero nahihiya naman ako.
     
Pagbukas ng elevator ay nagmamadali itong lumabas. Nakakapagtaka nalang ang pagmamadali nito.
     
Paglabas namin ng elevator ay mas lalo akong nagtaka dahil ang mga staff ng Windford ay nakapila sa may entrance nito.
     
Hindi ko na sana ito papansin ng makarinig ako ng sigaw.
    
"Andiyan na si Ms. Mitch!" Sabi ng isang lalaki na naiiba ang suot sa lahat ng staff. "Prepare yourself. Mga I.D niyo ayusin. Uniporme niyo. Nakababa na ito ng sasakyan." Paalala pa nito sa mga staff.
     
'Sino kaya yung Ms. Mitch siguro VIP ito ng Windford kaya ganyan na lang sila kung makakilos.' Tanong ko sa isip ko.
   
Walang kahit sinong tao dito sa lobby pagdating namin ni kuya Elvin. Naka-upo lang ako magisa dito sa lobby. Tinanong kasi ako ni kuya Elvin, Elvin ang pangalang nung security guard na naiwan. Tinanong niya ako kung may gusto ako. Tubig lang naman ang hiningi ko, nauuhaw na kasi ako.
    
Mula dito sa lobby ay matatanaw mo ang entrance. Kitang kita ko kung gaano ka pormal kumilos ang mga staff ng Windford. Napaka-bigatin talaga siguro ng sasalubungin nila dahil sa mga pinapakita nilang kilos.
    
Habang nagiintay ako kay kuya Elvin. Siya naman pagdating ng isang napakaganda at eleganteng babae. Masasabi mong elegante ito sa lakad at kilos pa lang. Napakarami din nitong bantay na nakapaligid sa kaniya. Ang mga staff naman ay sabay sabay na yumuko dito.
     
Ang isang staff ay lumapit doon sa babae inabot nito ang isang baso na nasa tray. Tinikman lang ito ng kaunti ng babae. Laking gulat ko nalang sa sunod nitong ginawa.
    
Tinapon nito ang baso at nagkalat sa sahig ang bubog at laman ng baso. Saka naglakad patungo sa kinalalagyan ko.
    
Wala man lang ni-isa sa mga staff ang umangal. Nakayuko lamang ang nagabot.
     
Nagulat nalang ako ng biglang may magsalit sa gilid ko.
    
"Akala ko ba walang basura dito." Malakas na sabi nito kaya napatingin ako dito. Napakaputi nito at ang pula nitong damit na kumikislap kislap dahil sa mga palamuti.
      
"Don't stare at my dress. Alam kong maganda. Who the fuck are you? Sitting on my luxurious chair." Bulyaw nito sa akin. Napatingin naman ako sa inu-upuan ko. Wala kasi akong napansin na may pangalan ang upuang ito, kaya umupo ako dito. Pero ngayon ko lang napansin na namumukod tangi ang diseniyo ng upuan na ito dito sa lobby.
    
"S-sorry, h—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin ako nito.
       
"Did I allow you to answer? Who do you think you are to answer me?!" Napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Iintayin ko nalang siguro si kuya Elvin.
    
"Hoy ano?! Sumagot ka!" Nagulat nanaman ako sa pagsigaw nito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nito. Nahihiya na ako ng sobra.
     
Tatayo na sana ako at maglalakad nalang palayo. Alam kong napakabastos ng gagawin kong pag-alis ng walang paalam. Pero hindi ko na alam ang gagawin ko dito.
     
Pagtayo ko dito ay siya namang pagtulak nito sa akin. Napapikit nalang ako dahil akala ko ay tatama na ako sa sumento. Pero naramdaman ko na may brasong nakapulupot sa akin. Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko na si kuya Elvin.
      
Tinayo lang ako ng maayos ni kuya Elvin at walang pasabing hinila ako nito ng mabilis. Sa bilis nito ay halos matitisod na ako.
    
"Hey! We're not done yet." Sigaw nung babaeng may pagka-maldita.
    
Hindi ito pinansin ni kuya Elvin. Hinila lang ako nito ng hinila hanggang makalayo kami doon sa lobby.
    
"Mam, ok lang po ba kayo?" Tanong nito sa akin. Hindi man lang ito hiningal sa tagal ng aming pagtakbo.
    
"Pasensiya na kayo mam. Hindi ko rin kasi pedeng sagutin yung babaeng yun. Kaya hinila ko nalang po kayo." Paliwanag sa akin ni kuya Elvin. Mukhang sinusuri rin ata ng mata nito ang katawan ko kung nasaktan ba ako.
    
"Sino po ba yon?" Nagtataka kong tanong kay kuya Elvin. Nakahawak ngayon si kuya Elvin sa dalawa kong braso.
    
"Yun si Mitch O. Windford. An—" Hindi na natapos ni kuya Elvin ang sasabihin nito ng may napakalalim at napakalaking boses kaming narinig mula sa gilid namin.
     
"Blake." Ito ang unang beses niyang bangitin ang pangalan ko. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil sa tono ng pagkakasabi nito.
      
     
       
---------------------------------------------------------
      
        
     

Gosh natapos ko rin!!!❤️
Nahihiya na talaga ako magup dahil sa mga delay. Thank you sa mga nagstay kahit hindi ako masiyado nakakapaglaan ng time makapagupdate.😘
     
Sana maenjoy niyo!!!✨❤️👌😘

Undesired Love (Trans - Mpreg Series #1)Where stories live. Discover now