1: Chaos

35 7 0
                                    

•||Ice's PoV||•

Kakalabas ko palang ng O.R. galing sa 10 hours operation, may dinala dito na pasyente kahapon at hirap na hirap akong operahan siya dahil nagmamatigas pa at dahil sa alangananin ang supply ng dugo pero successful naman. Pero halos bumagsak yung katawan ko nung biglang may sumigaw galing sa E.R.







"Doc! Doc Ice! yung pasyente sa E.R. nabaril, critical condition po" nagmamadaling sabi ni Lily isa sa mga intern ko, nagmamadali akong tumakbo sa E.R. para tignan ang pasyente




"Lily may available bang O.R.?"







"Doc napabook na po ni Doc Soliman"






"Call Thyrix, now!" utos ko sa mga nurse na sa E.R. "Lily let's exchange, continue to put pressure here" sabi ko kay Lily at tumango naman siya binitawan ko ang pasyente at agad na tinuloy ni Lily ang pinapagawa ko.







"Patients name? vitals? details?" tanong ko sa isa pang nurse habang nag lalakad ako para hanapin si Thyrix.





"Bryan Galvez, famous bachelor C.E.O. of Galvez Airlines, 30 years old, 12 guage po ang bala doc dahil shotgun ang ginamit, nasa gitna ng left and right artery ang bala,  sa tingin po namin may internal bleeding na din po, stable pa naman po ang vitals" sunod sunod na sabi ng nurse






"Sa tingin? you're not sure?" nakataas ang kilay na sabi ko





"We will make sure of it doc but you need to-"




"I know, prepare the O.R. we will do it with or without his consent"






"Yes doc"












Tumakbo ako ulit para mag handa para sa operasyon nung biglang nabangga ako, mag so-sorry na sana ako pero natigilan ako nung nakita ko ang I.D. niya. Thyrix.






"You called me?" agad niyang sabi with that irritating smile on his face.








"Yeah, I need to use that O.R. you booked" halos lumuwa ang mata niya sa sinabi ko, gusto kong matawa sa mukha niya.







"Nope" sagot niya na ikinabigla ako. Nakakatanga talaga ang lalaking 'to. Tumalikod siya at naglakad palayo kaya hinabol ko siya.








"The patient is dying, he needs urgent operation are you insane?" Madiin na sabi ko iniiwasan ko siyang sigawan dahil maraming tao sa paligid.







"A no is a no doctor Lazaro" pag giit niya kaya tinignan ko siya ng masama.






"If my patient ended up dying because of your selfishness I'll kill you" banta ko pero hindi ko naman gagawin. I'm a doctor I save lives as much as I could.







Tumawa siya ng mahina na parang sayang saya pa na naasar ako "fine, gamitin mo na I don't want to constantly check my back waiting for a scalpel to stab me, and besides you already ordered them in"








'I HATE YOU THYRIX, I HATE YOU' sigaw ko sa utak ko, bumalik ako sa E.R. at sinabi kay Lily na dalhin na ang pasyente sa O.R. na naibook ni Thyrix







Doctor's QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon