Yasha Dinisse Morales is a pure Filipina who migrated in US with her mom because of family issues in the Philippines. Maayos ang buhay niya noon sa Pilipinas at masaya naman sila ng pamilya niya. Pero dahil tao rin siya na nabubuhay sa realidad, nagkaroon siya ng mga problema. Sunod- sunod na dumating ang mga 'yon at unti- unting binago ang buhay niya. First year highschool pa lang siya noong dumating ang mga 'yon. Una, nagkaroon sila ng financial problem at nawalan ng trabaho ang papa niya. Nagkaroon ng affair ang papa niya at nalaman 'yon ng mama niya kaya naghiwalay sila. Umalis ang mama niya sa bahay nila at siya lang ang sinama. Panagalawa, kahit na pasok siya sa top 10 ng school nila, natanggalan siya ng scholarship sa hindi malamang dahilan. At ang panghuli, pinaalis sila sa inuupahan nilang apartment ng mama niya dahil may mangungupahan daw doon na handang magbayad ng triple. Wala na silang malapitan noong mga oras na 'yon kaya napilitan silang matulog sa ilalim ng tulay. Hanggang sa wala ng nagawa ang mama niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang ama (lolo ni Yasha). Inayos ng lolo niya ang mga papeles nila papunta sa US kapalit ng pagtratrabaho ng mama niya sa kompanya ng ng lolo niya roon. What will happen to Yasha Dinisse Morales as she live her new life in States? Would she still be the same Yasha? If not, could something powerful, bring back happiness to Yasha's life that will complete her again like . . . . . . . . . . . Love?