Chapter 4

13 5 1
                                    

This is dedicated to joanahgarliavalero09.

Chapter 4- Friends?

Yasha's POV

Habang nagdradrive ako papunta sa school. Naalala ko 'yong pag- iba iba ko ng routes para lang hindi ako masundan nong mag- jowang 'yon.

Bukod doon naalala ko rin 'yong nagcomment sa blog ko about yesterday. Isa pa 'yon eh. Ang kulit din. Comment ng comment sa mga blog ko about sa buhay ko. Siya lang naman ang nagcocomment. Siya nga lang yata may alam nong account ko na 'yon eh ewan ko kung bakit siya nagtiyatiyagang magbasa at magcomment sa blogs ko.

At madalas niya akong kinokontra ha. Gaya ng comment niya kahapon.

@mrhelmet: Seems like you're good at driving. You tricked them. But I don't think they're lovers. As a guy, he shouldn't let the girl ride on his motorcycle without helmet.

Pati ba naman 'yon? Malay ko ba kung mag-jowa sila o hindi. Nakayakap kaya si Zoey so I assumed na 'sila'. Feeling naman nito. As if naman kilala niya 'yong dalawa. Teka bat ko ba 'to iniisip? Aish bahala na nga sila diyan.

Pagkapark ko ng kotse ko dumiretso na ako sa room dahil malapit naman na mag-time. Hindi ko na kailangan magpatagal sa kotse.

Nagpa-surprise quiz 'yong first prof namin at buti nalang lagi akong nag-aadvance reading sa lahat ng subjects kaya prepared naman ako. Pero karamihan nagreklamo kasama na 'tong katabi ko.

Lunch na at nandito ulit ako sa malaking puno sa likod ng Engineering Department. Dito na ako lagi tatambay. Ang peaceful kasi ng paligid malayo sa gulo.

Nakikinig ako sa "When I was your man" ni Bruno Mars habang nakapikit ang mata. Feel na feel ko talaga mga kanta niya eh. Naaalala ko sa kantang 'to kila mama. Kung di lang sana 'niya' kami hinayaang umalis, buo pa sana kami.

Here I go again. Reminiscing what happened 4 years ago. Well lagi ko namang naaalala. Hindi kasi madaling kalimutan ang mga bagay na nag-iwan ng sakit. Lalo na kapag dumating ng sabay-sabay, bigla ka nalang bibigay.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan ang oras kaya nag-ring na 'yong bell. Nagmamadali tuloy akong tumakbo pabalik ng room. Habang tumatakbo ako, may nabangga akong lalaki. Nagsorry lang ako pero hindi ako lumingon. Nagmamadali kasi ako. Mahirap na, baka nandon na 'yong next prof. Masungit pa naman 'yon.

Hingal na hingal akong umupo sa upuan ko. Buti nalang wala pa siya. Buti nalang nasa first floor 'tong room.

Kinalabit naman ako nitong katabi ko sa nagtanong. "Why are you late? Something happened?"

Hindi ko na sinagot 'yong tanong niya at binaling lang ang tingin ko sa harapan. Dumating na rin naman prof namin kaya tumahimik na siya.

Nagpasurprise quiz din 'tong prof namin ngayon. Hindi nagreklamo ang mga kaklase ko dahil takot sila. Terror kasi 'tong prof namin na 'to. Nong binigay na ang quiz, naalala ko 'yong binasa ko kagabi. Pareho lang ang meaning nitong tanong sa explaination nong nabasa ko. Iniba niya lang 'yong ibang words sa question para lituhin kami.

Tapos na ako at hinihintay ko lang na may maunang magpasa bago ako. Ilang minuto pa ang natitira kaya chinichek pa siguro nila mga sagot nila.

After few minutes may nagpasa na kaya nagpasa na rin ako. Pagkabalik ko sa upuan ko, tumayo na rin si Zoey para magpasa. Hindi ko siya tinignan pero napansin kong tumayo siya. May nakita naman akong post it na nakadikit sa table ko na may nakasulat na "I'm sorry, I copied some of your answers. -Zoey" May kasama pang peace sign.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Overseas Filipino Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon