Chapter 3

20 4 3
                                    

This is dedicated to chisaki_22.

Chapter 3- Stop following me

***

Yasha's POV

Nakarating ako ng classroom 5 minutes before mag-start. Ayokong dumating ng mas maaga dahil maiingay ang mga kaklase ko. Para silang mga bata. Saka baka kulitin nanaman ako nong Zoey.

Dumating na ang first prof namin sa araw na 'to kaya nag-umpisa na ang klase. Discussion lang ang ginawa namin dahil kakaumpisa palang naman ng klase. Ganon lang din ang ginawa namin sa iba pang subjects.

Lunch na namin ngayon pero nandito ako sa likod ng huling building which is Engineering Department. Tapat lang 'to ng building namin kaya hindi ako mahihirapang bumalik kapag time na. Hindi ako kumakain dahil maraming tao sa Cafeteria ng campus. Sanay naman na akong hindi kumakain kaya okay lang.

Nakasandal ako sa iisang malaking puno rito. Tinitignan ko iyong mga nasa paligid ko. Naninibago parin ako. Pero sariwa ang hangin dito at tahimik. Perfect ang lugar na 'to para sa taong tulad ko. Kinuha ko ang cellphone ko na puro music lang ang laman. Ginagamit ko lang 'to kapag nakikinig ng music. Naglagay ako ng earphones katulad ng lagi kong ginagawa. Mas feel ko ang kanta kapag ganon. Karamihan sa playlist ko ay mga kanta ni Bruno Mars. Favorite ko 'yong kanta niyang "Talking to the moon".

All my life, I can tell that music is my best friend. It always gives me comfort. At sa pamamagitan niya nailalabas ko ang nararamdaman ko.

Simula nong bata ako, music lang ang kasama ko kapag nasa school ako. Ang tingin kasi sakin ng mga kaklase ko, kakumpitensya. Lagi rin kasi akong number 1 sa klase. Pakiramdam ko nga nagtutulungan sila para pababain ako sa rank ko. Hindi ko naman kasalan ang maging masipag sa pag- aaral. Gusto ko lang din naman maging proud ang parents ko. Isa pa, minemaintain ko ang scholarship ko. Ang mahal pa naman ng tuition sa dati kong school.

Kamusta na kaya sila ngayon? Siguro masaya sila na natanggalan ako ng scholarship. Wala parin akong maisip na dahilan kung bakit ako natanggalan ng scholarship pero hayaan nalang, tapos na eh. Nangyari na. Naniniwala akong nakaplano na lahat ng mangyayari sa buhay ko. Nakakalungkot nga lang isipin na ganito pala ang plano. Hindi man lang ako nainform.

Pero paano kaya kung hindi nangyari lahat 'to? Masaya siguro kami. Buo parin siguro kami. Nakaattend sana ako sa graduation bilang Valedictorian. Nakapag- high school sana ako sa school. Kamusta na kaya sila Pa-- aish tama na nga.

Nakakainis 'tong mga ala-alang 'to, hindi ko naman iniimbita pero laging bumibisita.

Ilang kanta pa ang pinakinggan ko bago tumayo para bumalik sa room. Pagkatayo ko, nakita ko 'yong Zoey. Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?

"Hi!" Masiyahin talaga ang isang 'to. "I was at Engineering Department when I saw you at the window. I can't find you after the class that's why I came there instead. I told you I wanna have lunch with you. Why do you always ignore me?" Nag-pout siya sandali pero tumawa rin agad.

"Hahahaha just kidding. I'm not a good actress. Btw, did you take your lunch?"

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at bumalik na sa room. Hindi ako sanay makipag- usap. Pagkaupo ko, pumasok na rin 'yong Zoey at sumunod yung next prof namin.

Nagdiscuss lang din siya gaya ng ibang mga prof. Hindi naman kasi makatarungan kapag magpapaquiz sila after ng 30 minutes discussion. Kakaumpisa pa man din ng klase.

Habang hinihintay namin ang last prof namin, nagdadaldalan nanaman 'tong mga kaklase ko. Dati pa sila rito sa university kaya kilala nila isa't isa. Ako lang yata 'yong tansferee na wala pang kasama. 'Yong ibang transferee nakahanap na.

Nakita ko sa peripheral vision ko na may kausap 'tong katabi ko pero hindi ko marinig dahil mikhang nagbubulungan sila. Pagkatapos nila magbulungan, tumayo 'yong katabi ko tapos may umupong iba. Hindi ko masyadong kita sa peripheral vision ko pero nong nagsalita, nakilala ko na.

"Hi seat mate!" Siya. Siya nanaman. 'Yong Zoey na makulit. Hindi ko na siya pinansin na parang wala akong katabi.

"Discussions' boring right? How about going out with after class? Are you up?" Ang daldal.

Hindi ko siya sinagot. Buti nalang dumating na 'yong last prof namin kaya hindi na rin siya nagsalita. Naglabas na ako ng notebook para magtake down ng notes. Ginaya naman ako nitong katabi ko.

***

Pagkatapos ng last subject namin lumabas ako agad ng room. Papunta ako ng parking lot at napansin kong may sumusunod saakin. Tama nga ako nong marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Yadi! Wait for me! You're too fast!" Its Zoey. Ang ingay talaga nito.

Binilisan ko pa lalo ang paglakad ko papunta sa kinalalagyan ng kotse ko. Naririnig ko ang tunog ng heels niya kaya malamang sumusunod pa rin siya. Halos tumakbo na nga yata siya eh.

"Yadi let's go out!" Pagsigaw niya.

Hinarap ko na siya dahil ang kulit niya. Napakaingay. Nakakahiya sa mga nasa parking lot.

"Stop. following. me." Madiin na pagkakasabi ko sa bawat salita saka tumalikod na.

Hindi ko nakita ang reaksyon niya pero bago ako makapasok sa kotse, narinig ko ang tunog ng isang motor cycle at ang pagtawag uli nong Zoey. Pero hindi ako ang tinatawag kaya hindi ako lumingon.

"Z!"

Pumasok na ako ng kotse at pinaandar agad 'to. Buti nalang may dumating.

Nakalabas na ako ng school pero napansin kong may nakasunod na motor cycle. Dalawa sila at mahaba ang buhok nong isa. 'Yong Zoey nanaman. Nag-iba ang ng route para malaman kung sinusundan ba nila ako. Tama nga ako dahil nakailang lipat na ako ng route nakasunod parin sila. Alangan naman na coincidence lang diba? Naku namaaaaan. Napalayo na tuloy ako sa bahay.

Binilisan ko pa ang pagdradrive at nagpalit palit ng route. Mukhang binilisan din nong nagdradrive na hindi ko makita ang mukha kaya mas lalo ko pang binilisan. Wala namang traffic dito kaya mas madaling magdrive. Nilito ko pa sila hanggang sa hindi na sila nakasunod. Huminto ako sandali at nong makumpirma kong hindi na nga sila nakasunod, nag-drive na uli ako pauwi.

Ang sakit sa ulo ni Zoey. Napakakulit. Marami naman siguro siyang kaibigan pero bat kinukulit niya ako? May boyfriend naman din yata siya. Haaay ewan. Napalayo tuloy ako. Sayang gasolina.

***

Overseas Filipino Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon