Chapter 2

20 4 1
                                    

Chapter 2- First day of school

***

Yasha's POV


Pagbaba ko ng kotse ang dami ng ibang nakapark. Masyado yata silang excited o sadyang late lang ako? Pagtingin ko sa wrist watch ko, hindi pa naman ako late.

Pumasok na ako at hinanap ang Biological Chemistry department. Hindi ako gaanong nahirapan dahil magkakatapat lang ang mga building ng iba't ibang department na pinagigitnaan ng daanan na assembly area na rin siguro dahil may stage sa kabilang dulo.

Pagkarating ko sa mismong building ay hinanap ko na agad ang pangalan ko. Wala sa unang room ang pangalan ko kaya hinanap ko sa pangalawa pero wala pa rin. Nakarating na ako sa pinakahuling room pero wala pa rin ang apelyido ko. Bumalik ako sa umang room at nagsimula uling hanapin ang surname ko sa M pero wala talaga. Papunta na sana ako sa pangalawang room ng maalala kong iba ang nilagay kong pangalan sa form.

Bumalik ako sa unang room at naghanap sa I at sa wakas nakita ko ang pangalan ko. Imperial nga pala ang nilagay kong apelyido.

Pumasok na ako at umupo sa may bandang gitna dahil occupied na ang mga upuan sa bandang dulo. Dumating na rin ang ibang estudyante hanggang sa mapuno na ang room. Ilang minuto matapos kaming makumpleto, dumating na ang unang Prof namin. Babae siya na mukhang nasa 30's.

"Good morning everyone, I am Heidi Elmendorf. I will be handling your Biological Chemistry and I will be your class adviser." Bati ng professor namin na fierce habang nagsasalita.

"Good Morning prof." Bati naming lahat.

May sinabi pa ang prof namin tungkol sa goal ng course namin.

"This course has three goals: First, the focus on biological chemistry will prepare students to enter their regular college coursework in Chemistry and Biology with an enhanced scientific foundation. Second, the emphasis on providing students with an authentic course-based research experience will introduce students to the excitement and rewards of scientific research. And lastly, faculty who teach the introductory-level courses and laboratories during the academic year will teach in this summer course, allowing the students the chance to develop strong and supportive relationships with their faculty prior to the start of the academic year."

At syempre tulad ng ibang schools, hindi mawawala ang walang kamatayang 'introduce yourself'. Yung iba kung ano ano pang sinabi sa harapan. Nagmistulang story telling tuloy 'yong dapat sana introduce yourself lang.

Natapos na rin sa wakag 'yong nagpakilala. Or should I say nagkwento? Ako na 'yong susunod kaya naman tumayo na ako at pumunta sa harapan.

"Yadi Imperial, 16."

Ganon lang kasimple at bumalik na ako agad sa upuan ko. Sumunod pa syempre yung mga iba kong kablock hanggang sa matapos na lahat. Nagpaalam na at umalis si Prof Heidi papunta sa next class niya. Ilang minuto pa bago dumating 'yong next prof namin. Introduce yourself lang din 'yong nangyari gaya kanina. Pati sa mga sumunod pang subjects ganon din. Hanggang sa matapos na ang first day of school.

Umalis na ako at pumunta sa parking lot para umuwi. Pasakay na sana ako ng kotse ng may tumawag sakin na pamilyar ang boses.

"Hey! Yadi right?" Tawag nong babaeng nakita ko kahapon sa Mall. Kung hindi ako nagkakamali, Zoey ang pangalan niya. Nagtaka ako kung pano niya nalaman ang pangalan ko. Napansin niya yata 'yon kaya nagsalita siya ulit. "Well we are blockmates. My course is also Biological Chemistry, same as yours." Hinihingal pa siya kaya huminto muna siya bago magsalita ulit. Mukhang tumakbo siya mula sa kung saan.

"Zoey Deyzel Harris remember? I met you at the mall yesterday!" Masiglang bati niya ulit. "I didn't expect we have the same course! Hihi you're so cool while introducing yourself. I don't know if you noticed but all of us looked at you 'til you head back to your seat!" dagdag niya pa.
Napakaenergetic at napakabilis niyang magsalita. Rapper yata 'to.

Tinignan ko lang siya at saka nagkibit balikat. Pumasok na ako ng kotse at papaandarin ko na sana pero humarang siya. Binuksan ko 'yong bintana ng kotse ko saka sumilip. Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti siya.

"Can I join you for lunch everyday? Can I hang out with you? Can we be friends? Pretty please?" Sunod sunod na tanong niya pero nakangiti parin.

Sinenyasan ko lang siya na tumabi pero ayaw niya parin kaya isinara ko na ang bintana ng kotse ko saka ito pinaandar kahit na nasa harapan siya. Wala naman siyang nagawa kundi tumabi nalang. Akala siguro sasagasaan ko. Tumingin ako sa side mirror at nakita ko siyang sumimangot sandali pero nakita niya yata akong tumingin sa side mirror kaya ngumiti siya at kumaway.

Habang nasa daan ako pauwi may nakita akong mga lalaki sa harap ng kabilang subdivision na parang binubully 'yong payat na lalaki na siguro kaedad nila. Tinulak nong parang leader nila 'yong payat na lalaki kaya napaupo siya sa kalsada. Hihinto na sana ako pero may humintong motor cycle at bumaba yung lalaki papunta sa mga bata. Pinatayo niya 'yong payat na lalaki at parang pinagsasabihan 'yong mga nambubully. Bago ako tuluyang makapasok sa subdivision namin, nakita kong nakayuko 'yong ulo ng mga batang nambubully kanina. Parang nagsosorry sila at nagsisisi sa ginawa nila. Tinignan ko 'yong lalaking lumapit sa mga bata pero hindi ko nakita ang mukha niya. Nakahelmet kasi siya at nakaside view mula sa direksyon ko.

Pagkarating ko ng bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. As usual, ako lang ang nasa bahay. Nagbihis na ako at saka binuksan ang laptop ko. Isusulat ko ang mga nangyari ngayong araw na 'to sa blog ko katulad ng lagi kong ginagawa simula nong lumipat kami rito. Wala kasi akong ibang ginagawa kundi mag-aral lang sa loob ng kwartong 'to kaya nagsearch ako ng ibang social media na pwede makapag post tungkol sa sarili mo. Ibang username naman ang gamit ko rito kaya walang makakakilala saakin. 'Yong ibang social media accounts ko kasi dineactivate ko na pagkarating na pagkarating namin dito. Ayoko ng magkaroon ng koneksyon sa mga taong nakilala ko noon. Wala rin naman akong kaibigan doon kaya walang maghahanap sakin.

Pagkatapos kong maipost ang blog ko tungkol sa araw na 'to, mula kaninang umpisa ng klase, 'yong panggugulo nong masiyahing babae na si Zoey, hanggang sa nakita kong pambubully kanina na pinigilan ng isang lalaking nakahelmet, nagcoment nanaman 'yong laging nagcocomment sa blogs ko. @mysteriouszdh and username niya. Lagi siyang nagcocomment na dapat ko raw ienjoy ang buhay ko at makisama sa ibang tao hindi magkulong sa apat na sulok ng kwarto ko. Masyado raw kasing boring ang buhay ko. Hindi ko siya nirereplyan dahil hindi ko naman siya kilala. Nang buksan ko ang notif na nagsasabing "@mysteriouszdh commented on your post", nagulat ako sa comment niya ngayon.

@mysteriouszdh: "I've been trying to get your attention by always leaving a comment on your daily post but you always ignore my comments. I didn't know you've noticed me for the fist time by what I did earlier. Thank you for the compliment ms. @usedtoit . I like the way you called me Mr. Helmet. Gonna use that as my username from now on. 😉

Pagclick ko ng profile niya, pinalitan niya na nga ang username niya ng @mrhelmet. Pati profile pic niya na dating walang nakalagay ay pinalitan niya ng picture niya habang nakahelmet.

Small world.

***

Overseas Filipino Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon