"'Wag na 'wag kang maniniwala sa sinasabi ng iba tungkol sa'yo. Alam mo kung saan ka dapat maniwala? Sa sarili mo. Magtiwala ka na kaya mo. Patunayan mong mali lahat ang sinasabi nila sa'yo." Patapon ang buhay. Walang kwenta. Basagulero. 'Yan ang bansag ng karamihan kay Ervin na pinaniniwalaan na rin niya. Paano ba naman ay lagi niyang naririnig kaya't ito na ang tumatak sa isipan niya. Ngunit isang taong nakadaupang-palad niya ang nagpa-intindi kay Ervin na may pag-asa pa para magbago at ibahin ang landas na tahakin. Na mapatunayan ang sarili niya. Na hindi pa dapat sumuko dahil hindi pa tapos ang laban. Kaya ngayon, isa na siyang guro. Ang kaso, ang klase naman na tuturuan na mga estudyante ni Ervin ay mas malala pa sa kanya noong nagrerebelde siya! Ganti nga yata sa kanya ng tadhana ito dahil sa pagiging pasaway niya noon. Matulungan kaya ni Ervin na magbago ang mga estudyante niya kung una pa lang ay pinapahayag na nang mga ito ang pagkadisgusto sa kanya?
35 parts