Discussion 4: The camera, the student and the teacher

352 30 0
                                    

Discussion 4: The camera, the student and the teacher

Sinipat ni Raymond ang motorsiklong nasa harapan. Mukhang pulido nga ang pagkakaayos nito. Mas tumingkad ang kulay pula nitong tangke at bago na rin ang mga gulong nito.

"Ayos na ba, Ray? Kung may hindi ka pa gusto, aayusin ko pa," untag sa kanya ni Bert. Nilingon niya ito at binigyan ng thumbs-up. Hinubad naman nito ang mga gwantes sa kamay, binulsa at lumapit sa kanya para umakbay.

"Matuwa kaya ang kumag na 'yon?" tanong nito sa kanya. Tumawa si Ray ng mahina.

"Malamang. Masosorpresa ang walang'yang 'yon. Makakasama na naman niya si Aka niya," sagot naman niya. Tumango-tango ito. Humugot si Raymond ng pera sa bulsa at inabot kay Bert. Takang tiningnan naman ito ng kaibigan.

"Para saan 'yan?" nagtatakang anito.

"Bayad sa pagpapagawa," simple niyang sagot. Umiling agad ito.

"Libre na 'yan, boi. Alam mo namang kulang pa nga 'yan sa tulong n'yo sa akin ni Vin. 'Wag mong alalahanin 'to," pagtanggi nito. Pinilit niyang iabot pa rin ang hawak niya pero mapilit si Bert na tumanggi.

"'Wag na nga sabi. Magagalit ako kapag nagbayad ka, Ray." Huminga na lang siya nang malalim at tumango. Okay. Bahala na ito. Ayaw tanggapin ang bayad niya, 'di sige.

Humarap ito sa ginawa nitong motorsiklo at humalukipkip. "Bakit ba Aka ang tawag ni Vin d'yan?"

"Ah, 'yan ba? Alam ko, ibang salita 'yon ng kulay pula. Sa anime yata 'yon?" Lumapit siya sa motor at hinawakan ito.

"Pinangalanan niya 'yang sasakyan ng pangalang pula kasi kulay pula? Nag-aadik talaga si Ervin, ano?" natatawa nitong sabi.

"Sus, matagal nang monggoloid 'yon. 'Wag ka nang magulat. Oh, paano, alis na ako? Tanghali na pero 'di ko pa nabubuksan ang restaurant. Pang puhunan na naman n'yan ang kikitain ko."

Natawa si Bert sa kanya. "Yaman-yaman mo na, magpapayaman ka pa," biro nito.

"Sus. Mayaman? Saang banda? Mayaman ako sa utang. Sige na. Salamat pala dito." Itinaas niya ang susi ng motor at winagayway sa ere.

"Wala 'yon. Iuwi mo na 'yan at ibalot mo tapos iregalo mo kay Vin. 'Yong mukha kang magpo-propose!" Humalakhak ito pagkatapos.

"Taena ka! Pero baka gawin ko nga 'yon. Una na ako, Roberto!" Tumalikod na siya at itinaas ang kamay, tanda ng pagpapaalam.

***

Nakatingin si Ervin sa labas ng bintana. Hindi niya pinapansin ang sinasabi ni Mr. Hernandez sa harapan.

"You ruined a table and a doorknob! A school property! For just this day?! Teacher ka, Ervin Salcedo, tapos ang ginagawa mo ay walang pinagkaiba sa mga delinkwenteng mga batang iyon!" Palakad-lakad ito sa harap niya habang minamando ang kamay sa magkabilang gilid. Gusto sanang ipagtanggol ni Ervin ang sarili at sabihing hindi sinasadya ang nangyari sa doorknob at mesa pero alam niyang hindi maniniwala si panotski — Mr. Hernandez sa kanya. Kailan ba 'to naniwala kay Ervin?

Isa pa, alam niyang mali naman siya sa pagsira ng mga gamit kahit hindi niya talaga sinasadya. Ang kinatatakot niya lang? Baka ibawas sa magiging sweldo niya ang pagpagawa sa mga gamit na 'yon. Paano na siya? Gusto niya tuloy ngumawa nang malakas. Baka maawa 'tong kaharap niya. Kaso itataya na niya ang lahat ng meron, ultimo briefs, baka lalo pa niyang mabuset si Mr. Hernandez kaysa maawa ito sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Director Reyes at naisipan kang tanggapin dito! Hindi ito playground kung saan maglalaro ka lang, Ervin! Magtuturo ka ng mga estudyante! Ikaw ang huhubog ng mga ugali nila! Ikaw ang tatayong pangalawang magulang nila! Paano mo gagawin iyon nang ikaw mismo hindi mo alam ang ginagawa mo!"

Si Teacher Kong Gangster VOLUME 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon