Isa sa namatay na Knight ang mapapangasawa ni Script na si Ross. Katulad ng ama niya, namatay rin ito sa pagtupad sa isang tungkulin. Pinasok niya ang sandatahan at kinalimutan na babae siya para maghiganti sa tamang panahon. Sa pagsisikap niya at determinasyon naging isa siyang ganap na Heneral sa loob lang nang limang taon-ang unang babaeng heneral ng Goldia. Sa Freed Market nakilala ni Script si Endless-hindi yata alam ng babae kung ano ang lugar na pinasok nito. Tinulungan niya 'to. Sa pangambang mapagsamantalahan 'to, isinama niya 'to sa Goldia dahil wala na raw 'tong mababalikan pa. Pero hindi niya inaasahan na si Endless ay isa pa lang prinsesa ng Damia-ang matinding kalaban ng bayan nila. Ang imperyo na naglatag ng 'Peace-Talk' at pumatay sa maraming bilang ng Knights nila kabilang ang lalaking tangi niyang minahal na si Ross. Misa_Crayola