Nang malaman ni Aeon ang plano ng ama na pagpapakasal sa kanya, tumakas siya mula Cebu at tumungo ng Maynila, kung saan nakadaop-palad niya si Chuck Aldama, isa sa major business partner ng ama niya. Nangako ang binata na bibigyan siya ng proteksyon laban sa ama sa pamamagitan ng pagtatago nito sa kanya. Dahil nasanay sa pagiging buhay-prinsesa sa mansiyon na kinagisnan niya, napilitan siyang pag-aralan ang mga gawaing-bahay kapalit ng pagpapatira sa kanya ng lalaki - kahit tutol ang lalaki sa ginagawa niya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob sa lalaki. Nangyari ang di dapat mangyari. Ang isang gabing pagsasalo nila ay nagbunga sa sinapupunan niya. Imbis na maging masaya, tila nagpakita ng walang interes si Chuck sa dinadala niya. Dahil ba gaya niya ay naka-kontrata din ito ng kasal sa iba? Paano ang ipinangako nito sa kanya? Tuluyan nang nasira ang puso niya nang isuplong siya nito sa tinataguang ama. Wala siyang naging choice kundi harapin ang tadhanang nakalaan. Araw ng kasal, inaasahan niya si Chuck na tumayo laban sa kasal. Nasaan na nga ba ito?