'May lahing werewolf ang mga de Luna'. Ito ang ideyang dinala ni Kyla sa puso't isipan mula pagkabata. Nasaksihan kasi niya ang pagbabago sa ugali ng namayapang ama na si Fausto de Luna. Ang pag-aasal hayop nitong naging dahilan ng sandaling pag-iwan sa kanya ng ina. Sa tingin ni Kyla, kaya niyang tanggapin ang sumpa at senyales na ang mga masasamang panaginip sa tuluyang transpormasyon niya. Ngunit mariing iginiit ng pinsan niyang si Bon John de Luna na walang katotohanan ang pagiging werewolf nila. Na ang mga karumaldumal na krimen sa Luna Pharma ay kagagawan ng ordinaryong tao at hindi ng isang halimaw. Gustong i-convince ni Kyla ang sarili. Pero paano niya maiikunekta ang mga bangungot sa ordinaryong kriminal na tinukoy ng pinsan sa tuwing kabilugan ng buwan? Paanong may mga dugo siya sa bibig nang gabing kinagisingan niya ang nilapang katawan ng alagang tuta? At papaano napunta sa kanyang bag ang duguang kuwintas ng BFF na si Mau? *Full Credit to the Illustrator: https://cdn.pixabay.com/photo/2017/02/15/15/19/moon-2069026_960_720.jpg
8 parts