WARNING: R18, FOR ADULT ONLY _____________________________________________ Walang pagdadalawang isip na umuwi sa Pilipinas si Joanna para isakatuparan ang kahilingan ng pinakamatalik na kaibigan. Iyon ay ang paghigantihan ang panganay na anak ng mag-asawang Villa Franca. Pagdating sa San Andres kung saan matatagpuan ang Hacienda Villa Franca ay nanatili muna siya ng ilang gabi sa isang resort. Mukhang nakikiayon ang pagkakataon dahil naroon ang magkapatid na Villa Franca. Ang problema, hindi niya literal na kilala kung sino sa dalawang guwapong nilalang ang nanakit sa kaibigan. Ni walang pangalan na nabanggit ang kaibigang si Ivy bago ito tuluyang mawala sa mundo. Kaya nakiramdam si Joanna at lihim na nagmatyag. Hanggang sa tawaging 'Kuya' ng mukhang pilyo na lalaki ang kapatid nitong hindi mabanat ang labi para sa isang ngiti. The one with the dangerous look, yet so damn gorgeous and hot. Nash Villa Franca. Walang patumpik-tumpik na isinagawa ni Joanna ang plano... Pero halos nasa hulihan na siya ng plano ng gumimbal sa kanya ang katotohanan na hindi ito ang panganay na anak ng mag-asawang Villa Franca. All those time ay mali pala siya ng lalaking pinaghihigantihan! And worse, mukhang siya pa ang nahulog sa sariling plano...