SPG-18 Mula nang unang makita ni Roxanne si Paul John dela Costa ay nahulog na ang loob niya rito. For years ay iningatan niya ang damdamin para sa lalaki kahit pa nga ang totoo ay ni hindi nito alam na nag-i-exist ang isang katulad niya. Until one day, he finally noticed her. At walang paglagyan ang kanyang tuwa. The man of her dreams finally noticed her. And it was the most exhilarating feeling. Ngunit ang kaligayahan niya ay nakatakdang maglaho. Dahil nakipaglapit lamang sa kanya si PJ upang paibigin siya at wasakin pagkatapos para makaganti sa kapatid niya na naging dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal nitong asawa.