Ako si Luningning Alfonso isang raketera. Elementary level lang ang aking natapos. Binansagan akong malas dahil may balat ako sa pwet. Namatay ang aking mga magulang sa sunog sa pabrika na pinagtratrabahuan ng mga ito. Nagpalaboy-laboy ako sa lansangan noong siyam na taong gulang ako at nagnakaw para may makain para mabuhay. Hanggang sa isang araw dumating si Tristan Elizarde ang lalaking umahon sa akin sa kahirapan para magpanggap na asawa nito. Isang pangako ang kanyang binitawan. Ang mga katagang... "H'wag kang mag-alala hindi kita hahalikan dahil hindi ko type ang isang tulad mo."