Ikaw ang nagsilbing panyo sa tuwing ang mga likido na nagmumula sa aking mga mata ay tila nag-uunahang dumaloy. Ikaw ang nagsilbing pader na aking masasandalan sa mga panahong gusto ko ng bumigay. Ikaw ang nagsilbing kumot na yumayapos sakin sa tuwing ako'y nalulungkot. Ngunit bakit tila ikaw na ngayon ang dahilan ng aking pagluha, dahilan upang ako ay tuluyang sumuko, dahilan ng labis kong pagkalungkot. Sadyang mapaglaro ang tandahan.