Chapter Five

4 0 0
                                        

“Hon may practice kami mamaya kaya hindi ako makakauwi agad.” Sambit ko matapos namin makahanap ng mauupuan sa cafeteria.

“Matagal ba ‘yon? Baka pwede na kitang antayin.” Pang-uusisa nito.
“Medyo, kasi sayaw ‘yon first practice pa lang namin kaya bubuo pa lang kami mamaya.”

“Okay, update mo ko paguwi mo.”

Yes pinayagan ko siyang manligaw and here we are after four months I think, I said yes to him. Well bakit ko pa papatagalin? He likes me and I like him too, I love him rather. Yes! I know I’m to young for this but that’s what I feel.

Days have passed naging masaya kami. May tampuhan but we manage to fix it at the of the day. Feeling ko ako na yung pinaka masayang babae sa balat ng lupa. Masyado bang o.a para sa isang katulad kong teenager?

Sakanya ako nakakuha ng comfort na hindi ko makuha sa bahay. Binigyan nya ko ng atensyon na hindi ko makuha sa magulang ko. Even his family, sobra sobra yung attachment nila sakin to the point na kulang na lang sa bahay na lang nila ako tumira. Kung pwede lang sana, how I wish I can do that.

“Amor ano bang plano mo sa buhay mo?” ramdam ko sa mga salitang binitiwan ni daddy na disappointed siya lalo't tinawag niya kong Amor. Tinawag lang niyang Amor kapag galit siya.

“Albert calm down.” Pagawat ni mommy.

“Hindi ka na daw sumasabay sa school service? After class hours hindi ka dumederetso nang uwi. At ano ‘tong nababalitaan kong may boyfriend ka?” galaiting singhal sakin ni daddy.

“Dad malaki na ko ayoko na ng school service I can manage riding public vehicle. And isa pa may mga school practice naman tlaga kami.”

“School practice? Really? O nagpupunta ka lang sa bahay ng boyfriend mong hilaw.”

Hindi na ko sumagot dahil wala naman akong ipapanalo sa daddy ko. Ang dami kong gustong ibulalas pero pilit kong inawat yung sarili ko dahil still daddy ko pa din siya.

Hinayaan ko na lang tumalak ng tumalak si daddy. I don’t even mind bakit inisip din ba nila yung feelings namin yung longing namin for their attentions? They don’t even bother so why would I?

“Ni hindi nga nagawa ng boyfriend mong kuno na magpunta dito para magpakilala man lang samin ng mommy mo ng pormal gawain ba ng tamang lalaki ‘yon?”

Dahil sa sinabi ni daddy hindi ko na napigilan pang ‘wag sumagot.

“Bakit daddy may oras ba kayo ni mom?” napataas ng bahagya ang boses ko na siyang sinundan ng pag-awat ni mommy.

“Nak stop it wag ka nang sumagot.”

“Totoo naman yung sinabi ko diba? Minsan na nga lang tayo magkita ganto pa inabot ko. May oras ba kayo samin? ‘Di ba wala naman kayong inatupag kundi yung business niyo. Sinonh kumukuha ng report cards namin diba sila manang? So tell me paano ko papupuntahim si Rain dito kung wala kayo? Mas importante pa nga yung careers niyo kesa saming mga anak niyo. May pakielam ba kayo?” Madami pa kong gustong sabihin ngunit inawat ako ng malakas na sampal mula kay daddy.

“Albert!” gulat na sabi ni mommy sabay yakap sakin.

Umalis ako mula sa pagkakayakap sakin at tumakbo ako papunta sa aking kwarto.

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now