Nandito ako ngayon sa tapat ng classroom ko. Waiting kay Kuya Rain. Yes I call him Kuya. We're friends now. Ngayon palang talaga kami mag-uusap personal since nung naging magtextmate kami. Lunch break namin ngayon and we decided to have lunch together.
"Yohanne!" Sigaw ni Kuya Shin sa di kalayuan.
"Oh bakit?"
"Tara dito dali na kasi 'tong si..."
Hindi niya na natapos yung sasabihin niya kasi tinakpan yunh bibig nito. And I think si Kuya Rain 'yon.
"Hi!" Bati ni Kuya Rain.
"Hi hi ka dyan, kanina lang nahihiya ka." Pang-aasar ni Kuya Shin kaya naman siniko siya.
"Let's go? Ang tagal niyo kasi." Cold na sabi ko syempre nahihiya din naman ako pero para di nila mapansin sungit sungitan ang peg ng ate nyo.
In all fairness ang cute niya pala sa personal. Nakikita ko na siya before since lagi siyang kasama ni Kuya Shin but not as close as now.
Nandito kami sa cafeteria naka-order na ko ng food, magbabayad na sana ko pero sumingit si Kuya Rain.
"Here, ako na magbabayad." Nakangiting sabi niya.
Medyo na shock ako ng very very light lang naman at alam kong napansin niya 'yon kaya..
"I insist." Dagdag pa niya.
"Ako din ba ililibre mo?" Singit ni Kuya Shin.
"Hindi." Mabilis na sagot ni Kuya Rain.
"Daya naman, best friend mo tapos 'di mo ko lilibre." Nakasibangot na sagot ni Kuya Shin.
"Bilisan mo na dyan naka-order na kami, bahala ka iiwan ka namin jan." Nakangising turan ni Kuya Rain.
"Sige na iwan niyo na ko sanay na ko maiwan. Solohin mo na 'yan si Yohanna."
Baliw yata to si Kuya Shin. Napansin kong tinitigan siya ng 'di maganda ni Kuya Rain pero hindi ko nalang pinansin. Naghanap na din kami ni Kuya Rain ng mauupuan at doon na lamang namin intay si Kuya Shin.
Ilang saglit lang din naman ay dumating na si Kuya Shin. Habang kumakain kami nakapagkwentuhan din kami. Mabilis kong nakapalagayan ng loob si Kuya Rain. Mabait siya may sense of humor. Kaya sa tingin ko walang problema kung ituloy ko yung pakikipagkaibigan ko sakanya.
Nalibang kami sa kwentuhan kaya hindi namin namalayan ang oras. Tumunog lang ang bell kaya naman oras na para bumalik sa klase.
"Thank you sa libreng lunch una na ko." Pagpapaalam ko dahil sasabay na ko kay Rica na classmate ko.
"Thank you din sana maulit pa 'to." Nakangiting sabi ni Kuya Rain.
Nginitian ko siya bago ako tuluyang umalis.

YOU ARE READING
Roller Coaster Love
RomanceIkaw ang nagsilbing panyo sa tuwing ang mga likido na nagmumula sa aking mga mata ay tila nag-uunahang dumaloy. Ikaw ang nagsilbing pader na aking masasandalan sa mga panahong gusto ko ng bumigay. Ikaw ang nagsilbing kumot na yumayapos sakin sa tuwi...