(WARNING: Mature Contents. Read at your own risk, please.) Mag-asawa sina Arcise at Red sa mundo ng pagkukulang at hindi pagkakaintindihan. Mahal ni Arcise si Red pero hindi kailanman naramdaman ni Arcise na mahal siya ni Red. Kaya dumistansya siya dito para makahinga sa katangahang naroon siya. Akala niya sa pag-alis niya, hahanapin siya at pababalikin ng asawa pero nasaktan lang siya ng hindi ito nangyari. Isang taon ang lumipas at napagdisesyunan niyang bumalik na. Isa lang ang nasiguro niya, mahal na mahal padin niya si Red. Pero hanggang saan ang pagmamahal niya? Hanggang saan matatabunan nito ang pagkamali nilang dalawa? "I love her.. too much.. but I'm scared if this too much will destroy me."