Ito ay isang maikling mga sitwasyon lamang maaring may pagkakahawig sa tunay na buhay pero nagmula lamang ito saaking malikot na imahinasyon. "Linya" ang pamagat dahil ang bawat pahina ay maglalaman ng mabibigat na linya na bibitawan ng mga karakter na babasag sa inyong mga puso at damdamin. "Tara manakit muna tayo" isang maikling deskripsyon sa buong pagkukuwento, inaasahan na malungkot o di kaya ay masakit ang iyong mababasa sa aklat na ito. Magkagayunman ang layunin nito ay ang mabawasan at madamayan ka sa iyong mga pinagdadaanan. Tungkol saan? Ito ay nakarandomized, maaring patungkol sa pagibig, aral sa buhay, kaibigan, pamilya at kung ano ano pa. Kelan muling magsusulat? Walang tukoy na petsa o araw ng pagsulat, ito ay tamang nakadepende lamang sa emosyon ng manunulat upang labis na maibigay ang ninanais na iparamdam sa mga mambabasa. Ngunit wag magalala dahil ang bawat kwento ay matatapos at hindi ito puputulin. Salamat, sana ay makatulong sayo ang pagbabasa saaking maikling kwento.