"Sana" Part 2

1 0 0
                                    

Matapos kong kumain ay nagbalik na din ako sa office ng may makita akong lunch box sa lamesa ko. Kanino itong-

Phil: "Oh Renz, di mo ba nakita si Faye? Sabi ko nasa lunch room ka, dadalhin nya daw yung pagkain mo at di ka daw nakakain kanina"

Renz: "hindi kami nagkita e" wika ko at napatingin naman sya sa lamesa ko

Phil: "oh yan yung dala kanina ni Faye"

Hindi ko na binuksan pa ang lunch box na dinala ni Faye, wala na din akong pakealam dito.

Dumaan muna ako sa condo ni Kyla at tama nga, nilalagnat sya ngayon kaya hindi ko sya maiwan hanggat hindi pa nagiging maayos ang kalagayan nya. Mgaalasdos na ng umaga ako ng makauwi sa bahay at nadatnan ko namang nanunuod ulit si Faye sa salas at dederetso nasana ako sa kwarto ng bigla syang magsalita.

Faye: "Renz, saan ka nanggaling?"

Renz: "huh? Sa-sa office, diba palagi naman akong nagoovertime"

Faye: "ganun ba" wika nito at papasuk nasana akong muli ng magtanong ulit sya.

Faye: "Renz, masaya ka pa ba? Masaya ka pa ba sa marraige na to?" seryuso nitong wika

Renz: "hindi, hindi na ako masaya" sagot ko at saka pumasok na sa kwarto. Matapos ang araw na yun wala namang nagbago kay Faye, sya pa din yung babaeng halos mali mali kung kumilos at naghahatid saakin papalabas ng bahay bago ako magdrive papaalis.

Hanggang makalipas ang isang linggo, katulad lang ng dati. Paguwi ko, nadatnan ko si mama nasa lamesa.

Renz: "oh ma, nandito ka pala. Hindi ka nagpasabi na dadalaw ka pala" pagbati ko

Mama: "surpresa lang sana" pilit nitong ngiting wika

Renz: "oh pinakain ka na ba ni Faye? Bakit walang nakahanda ditong pagkain? Talgang si Faye. Faye!" tawag ko dito pero walang sumasagoy

Mama: "Renz, wag mo nang tawagin si Faye. Umalis na sya"

Renz: "ano? Si Faye umalis na?"

Mama: "oo naabutan ko pa syang nagaayus ng gamit nya. Alam mo Renz, pwede mo pa syang habuli kakaalis nya lang din-"

Renz: "hindi na, umalis na sya ma. Desisyon nya yun"

Mama: "anu? Anu bang pinagawayan nyu?"

Renz: "wala kaming pinagawayan ma, hindi na lang kami masaya sa isat isa"

Faye's POV

Limang taon na kaming kasal ni Renz, at ngayon ko lang naramdaman kung papaano sya nagbago. Si Renz, hindi na sya yung Renz na pinakasalan ko, yung Renz na nangako saakin na mamahalin ako habang buhay. Hindi sya yung taong nangako sa simbahan na hindi ako pababayaan.

Ilang buwan na syang malamig saakin, naiintindihan ko naman na sya ang kumikita saaming dalawa at hindi din ako ganun kagaling sa gawaing bahay at sa pagluluto. Pero baka nakakalimutan nya lang Engineer ako, Engineer yung tinapos ko at nakiusap sya saakin nuon na manatili na lang ako sa bahay at sya na lang ang magtratrabaho saaming dalawa. Dahil pagnagtrabaho daw ako nasasagasaan ko ang pagkalalaki nya.

Mahal ko sya, kaya pumayag ako kahit na kalahati ng puso ko ay nasa pageenhinyero. Sinunud ko sya, ako naiwan sa bahay para gawin ang lahat, maglaba, maglinis, magluto. Hindi man ako ganun kagaling dito pinipilit ko paring gawin ang lahat. Palagi ko ngang niluluto ang paboritong menudo ni Renz, kaso palagi anman syang huli na kung umuwi kaya sa umaga ko naiihain yun nga lang hindi nya nagugustuhan ang adobo sa umaga.

Minsan lumalabas ako ng bahay para mamili, malaking tshirt at maluwag na pants. Walang make up at ayus ang buhok, minsan pa nga nakasalubong ko yung mga kaklase ko nung college. Ngumingiti na lang ako kapag tinatanong nila kung ano nangyare saakin dahil dati ang pinakamagaling sa klase. Pangarap at kinabukasan ang isinakripisyo ko para kay Renz.

Linya (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon