Kahit kailan hindi naman talaga naging madali ang pag-amin ng tunay nararamdaman lalo pagdating sa taong nagugustuhan. Pero si Asher, gagawin niya. Aamin siya, susubukan niya. "This time I'm dead serious. Kaysa naman habang buhay ko itong pagsisihan." Motivate pa nito sa sarili. Kinapalan nito nang sobra ang mukha, at ngayon handa na siya. Handang-handa at ngayo'y nakaamin na. Ang kaso sa huli, mukhang mas pagsisihan pa pala nitong umamin pa siya.