Ang dating pagkakaibigan ay masisira ng dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari na babago sakanilang mga buhay. Si Xi Lin, ang nag-iisang anak at ang heridera ng pinaka-mayaman at maimpluwensiyang pamilya ng Feng na ipagkakasundo sa lalakeng hindi naman niya sinisinta, ang magiging prinsipeng tagapagmana sa hinaharap. Papaano niya matatanggap ang kautusang ito kung ibang lalake naman ang kanyang nagugustuhan? Ngunit sa hindi inaasahan may pangyayaring sisira sa dangal at puri ng kanilang pamilya na siyang magdudulot ng no kanilang pagbagsak. Para makamit ang hustisya para sa yumaong emperador ay gagawin ni Jhiro ang lahat para sa kanyang ama. Wala siyang hindi kayang parusahan kahit pa naging malapit siya sa taong ito. At para makamit ang inaasam na hustisya ay gagamitin ni Jhiro si Xi Lin upang maisakatuparan ang kanyang paghihiganti. Basta-basta na lamang ba itatapon ng dalawa ang kanilang mga pinagsamahan ng dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang buhay? papaano babaguhin ng pag-ibig ang namuong galit, poot at sakit sa kanilang mga puso't isipan? may mababago nga ba? o mananatiling silang manhid? A Fictional Historical Chinese Story Date Started: April 2, 2023 Date Ended: