A school full of ugly students, there's a mystery waiting to be uncovered. Ang tanging gusto ni Nylah Braganza ay makapagtapos ng pag-aaral. Pero ang kasalukuyang estado ng kaniyang buhay ay alam niyang hindi basta matutustusan ng kaniyang mga magulang ang pag-aaral niya. Hindi naman sana sila maghihirap kung hindi nalugi at nabaon sa utang ang mga magulang niya. Sa kabila ng mga nangyari, gusto pa rin niyang makapagtapos upang masuklian ang mga sakripisyo ng kan'yang mga magulang at maiparanas muli sa mga ito ang marangyang buhay. Kaya't nang malaman niya na mayroong eskwelahan na Dyonisus High, a school that offers free education, ay agad niya iyong sinunggaban. Sino nga ba kasi ang tatanggi sa ganoon? Pero upang makapag-aral sa paaralan na ito ay kinakailangan niyang magpanggap na ubod ng panget. She needs to be very unattractive. Disguise, iyon ang paraan para makapasok siya sa naturang paaralan. Mahigpit kasing ipinagbabawal ang maamo at mala-anghel niyang mukha roon. Only those deemed less pretty or not good-looking can enroll. Bakit nga ba bawal ang mga hindi panget doon? Tanong na agad mabubuo sa utak mo, ngunit maging ang sagot sa katanungang ito ay hindi maaaring malaman. Libre ngunit may mga bawal. Limitado lang ang mga kasagutan. Pero wala na siyang pamimilian pa, kailangan niyang gawin iyon. Change and blend herself with those students. Isa iyong desisyon na magpapabago sa buhay niya, pati sa paaralang papasukan niya. Photos are not mine. Credits to the rightful owner. Cover made by: Me Photos I used by: Pixabay and Pinterest (Ty sa dalawang 'to at credits na lang po)