Annyeong! I'm Eunice Chae Yun (Half Filipino, Half Korean) Ako yung tipo na marunong makontento sa kung ano ang nangyayari sa present at kung ano ang meron ako. Kontento nadin sa buhay, almost perfect na nga eh. Pero alam niyo ba yung feeling na one day? Marerealize mong may kulang pa? Oo. Sa bestfriend ko na si Rain Eun Sook. Parang one sided love nga lang eh, kasi ako lang nagmamahal, ako lang umaasa, ako lang nag e-effort. Saya diba? Pero kerri nadin. Kaya kong maghintay, martir na kung martir. Ganon naman talaga pag nagmamahal diba? Kaya mong gawin lahat. Okay na sana sakin yung ganitong set up namin eh, BESTFRIENDS, kaso masama bang naisin ko ring maging girlfriend niya? Pero kasama sa pagnanais ko ay yung takot. Takot na baka pag nalaman niya yung totoong nararamdaman ko, masira lang yung kinai-ingat ingatan kong friendship namin. Yun na nga lang nag-uugnay samin diba? Laging Bestfriend! Kelan Kaya Magiging Girlfriend? Kelan ko kaya masasabi that... He's OFFICIALLY MINE!