Si Kuizon Gierhon ang lalaking dahil sa isang malaking pagkakamaling nagawa sa buhay ay nagawa siyang isumpa ng mga mapagsamantalang naninirahan sa kagubatan. Sumpang buong buhay niya ay mabubuhay siyang puno ng kahalayan at pagnanasa, na kung saan mapa-inosente, bata man o matanda, mapababae man o lalaki, sa oras na makuha mo ang kaniyang atensyon kinakailangan mong ihanda ang iyong sarili, sapagkat baka ikaw na ang susunod niyang biktima. Ang pagpatay ay kaniyang kasiyahan, ang pagnanasa tumutubos sa kanyang kauhawan, ang dugong nagbibigay buhay sa kaniyang pagkatao. Sa paglilibot sa labas ng kagubatan makikilala niya ang babaeng nakakapagtaka sapagkat sa 'twing susubukan niya itong lapitan hindi niya ito magawang galawin na parang higit pa itong kasalanan kung ito ay kaniyang gagawin sa babaeng hindi niya mamamalayang bibihag sa kaniyang pusong walang alam kundi ang kasamaan. Magawa pa kaya siyang mahalin nito kung dumating man ang araw na malaman ang totoo niyang pagkatao, sa tagal ng pananahimik, mahanap pa kaya ni Kuizon ang lunas at kasagutan sa kaniyang sumpa? Hanggang kailan niya titiisin ito? Kung sa 'twing iiwas siya ay ikamamatay niya? Halika't alamin ang pangyayari sa likod ng kwentong ito.