Makalipas ang ilang araw ng lamay, napag-planuhan na namin na ilibing si papa kung saan katabi ng puntod ni mama. Dahil alam kung hanggang kamatayan, maging sa kabilang buhay si mama pa rin ang pipiliin niyang makasama. Kaya kahit sa huling hantungan gusto kong maging masaya siya sa piling nito.
"Pa. Alam niyo po, di niyo naman po kailangan na depensahan ako. Edi buhay ka pa sana hanggang ngayon, pa ako 'tong pagod na pagod at sukong-suko na sa buhay, ako 'tong gusto ng mamahinga pero bakit ikaw 'tong nandiyan? Pagkakataon ko na sana 'yon e." napahagulhol nalang ako habang nakaluhod sa kaniyang lapida.
"Pa. Oo, galit ako sayo."
"Galit ako dahil sa pagiging tanga niyo."
"Galit ako kasi dahil do'n naipagdamot sa akin ang mga pagkakataon na maging masaya kasama ka .."
"Nasa iisang bahay tayo. Pero dahil sa lagi mo'ng pinipili ang tanginang babaeng 'yon kaya pakiramdam ko ang layo layo mo sa 'kin. Pa, alam nyong hindi sapat ang pagpapatawad dahil gusto kong bumawi ka sa mga oras na napabayaan mo ako, pero paano?"
"Sabihin mo, paano? E nandyan kana, mas lalo kang napalayo. Pero pa kahit gano'n mahal na mahal kita ..alam kong ginawa mo ang bagay na ito dahil gusto mo'ng mabuhay ako, hindi ko lang talaga matanggap. Wala na si mama, pati ikaw iniwan na ako. 'Ni hindi ko alam kung paano ako nito magsisimula ngayon na kami nalang ni Esia. Paano ko po siya bubuhayin?"
"Wala na akong ipon. Walang-wala na ako pa."
"Ate tahan na. Umuwi na tayo, nagsialisan na ang mga tao, pagabi na rin." sambit ni Esia na kanina lang ay kausap ang mga nakikiramay sa amin.
Napapunas ako ng luha.
"Maging mapayapa sana papa ang iyong pamamahinga. Huwag kayong mag-alala pagbabayaran ni tita ang ginawa niya sayo, naroon na sya nakakulong. Kung 'di lang masama ang pumatay tinuluyan ko na 'yan pero 'di e, hindi ko ho hawak ang bawat, sa madaling salita wala akong karapatang gawin 'yon."
"Paki-gabayan na lang kami, ma, pa." tumayo na ako saka nagpagpag ng sarili.
Mapait naman akong nginitian ni Esia na ngayon ay namumugto pa rin ang mga mata kakaiyak.
"Tara na .." inakbayan ko siya sa braso.
"Ate pan--"
"Mamaya na natin 'to pag-usapan Sia sa bahay na lang." putol ko sa kanya. Napatango naman siya.
Alam kong iniisip nya rin kung ano ang mangyayari sa 'min sa mga susunod pa na araw.
Napahinto kami pareho at napatingin sa isa't isa."Nga pala Sia uuwi tayo pero walang pamasahe?"
Pareho kaming natawa.
"Ate ano lakarin na natin?" natatawa niyang sabi.
"Huhu Sia ang layo nito, baka madaling araw na tayo makauwi."
Kanina lang ang lungkot lungkot namin ngayon nagagawa na naming tumawa. Sana nga ganito lang lagi para hindi na kami mahirapan pa na tanggapin ang mga nangyari.
"No choice e." napailing nalang kami pareho.
Ayos lang. Sanay naman na ang mga paa ko.
Nasa tapat na kami ng kalsada. Kakaunti na lang din ang mga sasakyang napapadaan dito. Kung pwede nga lang sana may mabuting pusong magpasakay sa 'min, hayst.
YOU ARE READING
HIS EVIL DESIRES
Mystery / ThrillerSi Kuizon Gierhon ang lalaking dahil sa isang malaking pagkakamaling nagawa sa buhay ay nagawa siyang isumpa ng mga mapagsamantalang naninirahan sa kagubatan. Sumpang buong buhay niya ay mabubuhay siyang puno ng kahalayan at pagnanasa, na kung saan...