Walang hinto sa paghila sa 'kin papunta sa madilim na parte ng maliit na eskinita. Napaangat ako ng kilay, seryoso dito talaga? Halimaw na 'to ako na ba talaga target nito ngayon!? Katapusan ko na!?
Huminto kami sa tapat ng sirang poste ng kuryente. Binitawan niya kaagad ang kamay ko ng mapansin na hawak niya pa pala ako kanina pa, tss. Pakipot pa. Sapo ko ang dibdib sa sobrang hingal, di naman siya tumakbo pero dahil sa mas matangkad siya sa 'kin takbo ko ang bawat hakbang niya. Nang kumalma na ang bawat paghinga ko inangatan ko ng tingin ang--
Ang poging demonyo! Jusko!
Ayun siya nakasandal sa pader habang nakabulsa ang magkabilaang kamay na siya namang saktong nasisinagan ng liwanag ng buwan ang kanyang pwesto. Mga kalmado niyang mata na nakatitig sa kawalan. Ang lalim ata ng iniisip?
Tumayo ako ng matuwid habang yakap-yakap ang sarili. Wala pa rin akong suot na pang-itaas bukod sa long sleeve niya na nakapataong sa 'kin.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya, ang gwapo niya talaga. 'Di ko alam na may nag-eexist palang poging evil sa earth! Hays."Hanggang kailan mo ako tititigan?" napaiwas ako kaagad ng tingin sa narinig.
"Gusto mong malaman kung sino ba talaga ako?" naramdaman ko na lang ang biglaang pagbagal ng mundo ng humakbang siya palapit sa 'kin. Ang pagwawala ng puso ko na halos pigilan ko ang paghinga.
Bakit gano'n? Diba dapat sa lagay kong 'to kanina ko pa dapat naisipang tumakbo palayo sa kanya, ang takasan siya, dahil maraming posibilidad na gawan niya ako ng masama. Pero bakit nandito pa rin ako? Na parang ayokong umalis, ayokong malayo sa kanya, na gusto ko ganito lang kami kalapit ..
Kalapit!? Jusko! Napakagat labi na lang ako ng wala siyang tigil sa paghakbang palapit sa 'kin habang ako naman dahil sa di maintindihang damdamin ay napahakbang ako paatras. Nang taasan ko siya ng tingin, mariin na nakatitig sa 'kin ang mga mata niya na ngayon ay bumalik sa kulay dugo. Lumukob sa 'kin ang takot dahil sa kung pa'no niya titigan ang aking kabuuan. Lalo na ang dibdib ko na pilit kong tinatakpan gamit ang mga braso.
Nang maramdaman kong wala na akong maatrasan dahil sa pader na ang nasa likuran ko wala na akong takas. Nakita ko kung pano gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi. Ngisi na alam mo na kaagad kung ano ang dahilan. Ngising nagpatayo ng mga balahibo ko. Ngising halos manlambot ang mga tuhod ko sa takot.
Titikman niya na ba ako? Ang ibig kong sabihin bakit kailangang evil side niya ang pumatol sa 'kin? Bakit hindi 'yong smooth side niya? Dahil ba sa mas wild siya!? Ay bet!
Charot! Kahit ano pa ang naiisip ko e mamamatay naman ako katapos nito, matutulad sa mga nauna niyang biktima! Ang tanga ko lang dahil pagkakataon ko na sana kanina na makatakas! Iniisip ko lang ang kalandian ko.
Naramdaman ko na lang na may pumitik sa aking noo, napasapo ako roon. Nang mag-angat ako ng tingin nakita ko siya sapo ang tiyan at walang tigil sa pagtawa.
"Hahahaha!" pero imbes na mainis mas lalo lang tuloy akong naaakit sa kanya! 'yong tawa niya ang sarap sa tenga. Teka! Pinaglalaruan niya ako!
Napakunot ang noo ko, natahimik din siya kaagad nang mapansin iyon.
Gusto ko siyang murahin! Gusto kong magalit! Manakit! Puta pero bakit umuurong dila ko!? Ano? Sa kanya ba ako titiklop!?
Hindi pwede!
"Takot na takot ka ah?" hindi ko alam kung nang-aasar ba siya pero seryoso siyang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Inirapan ko lang siya, narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa. Pogi hayop!
"Magbihis ka na." sambit pa niya.
"Sa harapan mo?" taas kilay kong tanong sa kanya na nagpaawang sa bibig niya.
YOU ARE READING
HIS EVIL DESIRES
Mystery / ThrillerSi Kuizon Gierhon ang lalaking dahil sa isang malaking pagkakamaling nagawa sa buhay ay nagawa siyang isumpa ng mga mapagsamantalang naninirahan sa kagubatan. Sumpang buong buhay niya ay mabubuhay siyang puno ng kahalayan at pagnanasa, na kung saan...