Bago mag alasais sarado na ang café, pero depende kung marami pa ang costumer na dumarating. Ngunit dahil sa mga kumakalat na bali-balita tungkol sa kakaibang nilalang na walang awang pumapatay mapapansin na bago magdilim mapapansin na wala ng taong pakalat-kalat lalo na at dito sa lugar namin ang madalas na may namamatay. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagdududa kay Kuizon, alam kong mali ito 'ni wala nga akong sapat na ebidensya para pag-isipan siya ng masama. Siguro ito na ang epekto ng kakanood ko ng horror, masyado lang akong nagpapadala sa mga pumapasok sa isip ko. Eh kasi nga kung siya talaga 'yong halimaw o demonyo bakit kapag nasa paligid ko siya wala akong kapahamakan na nararamdaman? Kabaliktaran pa no'n ang nararamdaman ko. Mayroong parte nga sa 'kin na gusto kong mapalapit sa taong 'yon, para makilala pa siya ng maigi, at mapatunayan na nagkakamali ako.
"Hayst ang dami ko na ngang problema. Kailangan ba'ng pati 'yon alalahanin ko?" tanong ko sa sarili.
Nandito na kami sa labas ng café, hinihintay ko pa si Gaile na tagasarado ng café, magpapaalam muna ako bago tuluyang umuwi. Wala akong balak na sumakay, gaya ng nakasanayan lalakaran ko lang ang tuwid na kalyeng 'to.
Pero bakit parang may inaasahan akong tao na babalik dito para sunduin ako?
Nasa'n na kaya siya?
Halos masampal ko pa ang aking mukha.Ba't ko ba siya hinahanap!? Kaya ko namang umuwi ah! Tsaka alam kong nasa paligid ko lang siya.
"Ano na ba'ng nangyayari sa 'kin!?" sumbat ko sa sarili.
"Oo nga ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Ha. Yana?" biglang sambit ni Gaile mula sa 'king likuran.
Napalingon ako sa kanya ng may kunot sa noo. Oo nga pala, hindi kami nito okay! Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko lang nagustuhan ang mga inaakto niya kanina sa harapan ni Kuizon. Kabaliktaran pa sa inaakala ko na baka lumuhod pa siya 'pag nakita niya ang kagwapuhan nito.
"Hmm!?" inangatan ko siya ng kilay
"Okay lang naman ako ah! Ikaw ano ba'ng problema mo at nagkakaganyan ka?" kung umakto parang jowang nagtatampo, kainis ang puta!
"Wala! Tara na. Hatid na kita sa inyo." malamig nitong sabi sabay hila sa kamay ko pero imbes na sumunod nagmatigas ako sa kinatatayuan ko. Alam naman niyang hindi ko ugali ang magpahatid.
"Ano?" napahinto siya ng mapansin na kahit anong pilit niyang paghila sa 'kin hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nagpumiglas ako dahilan para harapin niya ako ng puno ang mukha ng pagtataka.
Inis ko siyang tiningnan ng diretso sa mata. Masasabunot ko na talaga ang baklang 'to kapag hindi ako nakapagtimpi.
"Anong ginagawa mo?" pilit akong humihinahon.
"Ihahatid ka pauwi. Bakit tatanggi ka na naman?"
napabuntong hininga siya.Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon ah! Nasa'n na 'yong tarantadong bakla? 'yong maloko kong kaibigan? 'yong malandi, 'yong kasunod ko sa listahan na sa impyerno ang bagsak? 'yong pilit na pinagmamalaki na mas maganda siya sa 'kin! Ano sinasapian lang ba 'to? Babatukan ko na talaga!
"Oh. Ba't ka biglang natahimik?" sarkastiko niyang tanong.
Masusuntok talaga kita!
YOU ARE READING
HIS EVIL DESIRES
Mystery / ThrillerSi Kuizon Gierhon ang lalaking dahil sa isang malaking pagkakamaling nagawa sa buhay ay nagawa siyang isumpa ng mga mapagsamantalang naninirahan sa kagubatan. Sumpang buong buhay niya ay mabubuhay siyang puno ng kahalayan at pagnanasa, na kung saan...