Kagagaling ko lang sa tinatrabahuan kong café. Malalim na rin ang gabi ng makauwi ako, hindi naman ganoon kalayo sa bahay namin kaya kahit napakadilim sa daan dahil sa hindi pa naaayos ang mga sirang street lights bunga ng mga nagdaang bagyo. Gayon pa man tumuloy pa rin ako dahil kulang pa itong sinusweldo ko para gumastos nanaman para lang sumakay. Paniguradong uulalanin nanaman ako ng sermon ni tita kapag binawasan ko pa, hays.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ito o ano. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa 'twing ganitong dis oras ng gabi ako umuuwi, madilim, flashlight lang ng cellphone ko ang nagsisilbi kong liwanag, wala ng ibang tao sa maliit sa kalsada, tahimik na, natutulog na siguro. Iyon na nga, sa bawat hakbang naririnig ko ang mga yapak sa aking likuran, sa 'twing hihinto ako at lilingunin kung may tao ba, wala naman akong ibang nakikita bukod sa poste sa di kalayuan na patay sindi. Napailing nalang ako, kahit ano nalang tuloy ang sumasagi sa isip ko kakanood ng horror!
Nagpatuloy ako sa paglalakad, napayakap nalang ako sa sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Pilit kong pinapakiramdaman ang paligid at hindi pa rin maalis ang pakiramdam na parang laging may sumusunod sa akin. Siguro kung ibang tao ang nasa kalagayan ko ngayon nakatitiyak akong mapapatakbo ka na lang sa sobrang takot. Pero ako? Hindi naman sa nasisiraan ako parang gusto ko pa ngang tumawa sa magiging reaksyon ng iba. Hindi ko alam kung dahil ba sa hilig kong manood ng horror movies hindi ako nakakaramdam ng takot, imbes na mag-aalala pakiramdam ko ligtas ako, na walang mangyayaring masama sa akin, parang nasanay nalang ako sa presensya niya, kung pwede nga lang gusto kong makilala kung sino man 'tong laging nakaaligid sa akin.
Baka may gusto sa 'kin at nahihiya lang.
Napangisi na lang ako sa naisip.
"Wag ka ng mahiya, sabihin mo lang kung crush mo ako. Para ma-crush back kita kaagad!" sigaw habang umiikot-ikot sa gitna ng daan.
Alam kong bawal mag-ingay kapag malalim na ang gabi lalo na at ang lugar na ito ay napapaligiran ng kagubatan, baka raw mapaglaruan ka ng engkanto. Pero kagaya nga ng sabi ko hindi ako natatakot! Kahit harapin nila ako ngayon din! Charot!
Binilisan ko na ang paglalakad dahil nagugutom na rin ako, hindi pa ako nakapag-dinner e. Napangiti ako ng nasa harapan na ako ng gate namin, bubuksan ko na sana pero hindi ko alam pero parang may bumulong sa akin na lumingon sa pinanggalingan. Doon napawi ang ngiti sa aking labi, napaawang ang aking bibig sa nakikita. Parang ngayon lang lumukob sa aking katawan ang takot, sapo ko ang dibdib at tuhod. Bigla akong nahirapang huminga .. nanginginig ang buo kong katawan sa nakikita.
Isang lalaking naka-itim na jacket at pants, nakasuot din ng itim na sumbrero. Nakasandal sa di kalayuag poste na kanila lang nang madaanan ko ay hindi gumagana ngayon binibigyan siyang liwanang dahilan upang malinaw kong makita ang pula nitong mga mata na seryosong nakatitig sa akin, ang matangos nitong ilong, at mapupulang labi na hugis puso, labing masarap halika--teka ano!? Halos malagutan na ako ng hininga sa lagay kong 'to naiisip ko pang lumandi?
Napakunot ang noo ko nang makita kong napangisi ito, napansin ko rin ang bahid ng dugo sa makinis nitong mukha. Ano 'to? Poging killer?
Habol ko pa rin ang hininga, ano ba'ng nangyayari sa 'kin?
"Argf! Argf! Argf!"
"Aynga putangi---" napasigaw ako sa biglaang pagtahol ng aso mula sa aking likuran. Napalingon ako rito, ang bata ko pa para mamatay ngayon lang ako naging magugulatin!
Teka!
"Argf! Argf! Argf!"
'Yong aso tangina! Ngayon ko lang 'to nakita! Saan 'to galing? Napaatras nalang ako sa walang tigil nitong pagtatahol.
YOU ARE READING
HIS EVIL DESIRES
Mystery / ThrillerSi Kuizon Gierhon ang lalaking dahil sa isang malaking pagkakamaling nagawa sa buhay ay nagawa siyang isumpa ng mga mapagsamantalang naninirahan sa kagubatan. Sumpang buong buhay niya ay mabubuhay siyang puno ng kahalayan at pagnanasa, na kung saan...