Blurb: Ang akala kong panaginip na bigla nalang akong nasa National Museum na may kinuhang papel na tiyak akong isa sa mga preserved items doon ay naging dahilan upang maging wanted ako sa buong siyudad sa kasong pagnanakaw. Naharangan ang pagtakas namin ng pamilya ko nang may lalaking literal na hulog ng langit-sugatan at agaw-buhay pa nang bumagsak siya sa bakuran namin mula sa himpapawid, si Sky-hindi niya tunay na pangalan. Nagka-amnesia ang hindi kilalang lalaki, at hindi man lang namin siya napagamot o nai-report dahil wanted na nga ako niyong mga araw na iyon. Sa awa at kabaitan nga mga kapit-bahay namin ay nakapaninirahan parin kami sa aming lugar. Habang nagtagal si Sky sa puder namin, hindi ko maiwasang mamangha sa maamo niyang mukha, mala-porcelain na balat, at ang nakaiinggit niyang perfect smile. In short, so pogi ni Sky! Aamin na sana ako kay Sky nang mas lalo nang nahulog ang loob ko sa kaniya. Pero biglang dumating ang totoong pamilya ni Sky kasama ang mga pulis. Nagpapatong-patong na raw ang kaso ko dahil gaya ng nangyayari sa akin tuwing gabi, nawawala ako't may kung anu-anong paglalabag sa batas na ginagawa na sa totoo lang ay wala talaga akong maaalalang ginawa ko pala. Nagsimula ang lahat ng ka-weirdo-hang nangyayari sa akin nang dumating sa buhay ko si Sky. Who's that man ba talaga? Ano ba ang papel niya sa mga nangyayari sa akin?