CHAPTER THREE

0 0 0
                                    

CHAPTER THREE
_________________

“Ano iyan?” sabay-sabay naming bungad habang nakadako sa isang malaking kahong yari sa kahoy na may stainless braces. Parang fragile package ang dating ng kahon.

Nagtinginan kaming lahat. Ako, si ate Wella sa kabilang banda, si Kuya sa tabi niya, at katabi ko ang tatlong marites ngunit malapit na sa amin na mga kapit-bahay namin. Pati iyong mga binatang tambay at mga tricycle driver na chismoso, nakiusisa narin. Paano ba naman kasi? Eh, nagkukumpulan kami rito na para bang may sabong na inaabangan.

Hindi pa umabot ng limang minuto mula nang kumatok si Aleng Porsing—ang pinakamatulungin at nagsisilbing nanay na namin mula noong iniwan kami ng mga magulang namin—para sabihing may bumagsak raw sa garden namin at nahulogan ang pananim kong kalabasa! Awtomatikong nag-usok ang ilong ko sa galit! Pero nang makalabas na kami, nariyan na pala sa labas ang mga kapit-bahay namin.

Magkalapit-lapit lang talaga ang bahay namin dito, eh. Kami lang ang may garden sa likod ng bahay na hindi naman kalakihan. Mostly potted plants lang. ’Tapos, napapaligiran na kami ng mga bahay. Ang magkabilang bahagi rin ng lote namin ang siyang nagsisilbing maliit at makitid na eskinita ng mga kapit-bahay namin para marating nila ang likod kung saan naroon ang mga bahay nila. While ang harapan mismo ng aming gate na gawa sa kawayan ay daan na na connected papuntang national road.

“Driego, buksan mo kaya.” Napatingin kaming lahat kay Aleng Porsing nang bigla niyang utusan ang tambay na suki niya pagdating sa yosi.

“Sige, ha? Pero kung ahas ’yan, kayo ang gagastos sa lamay ko. Pero kung pera ’yan, dapat malaki ang share ko,” wika ni Driego na may pagmamayabang pa.

“Ako na nga! Baka mamaya, bangkay pa ang laman nito.” Natahimik kami nang magsalita si Kuya. Baliw talaga.

Tumabi kaming lahat nang lumapit si kuya sa kahon. Tiningnan niya muna iyon nang maigi bago siya dumampot ng crowbar na nasa tabi lang din ng ibang pananim. Ibinungkal niya iyon sa naka screwed na stainless para ma-dismantle ang box.

Ilang sandali, nagsigawan ang mga kapit-bahay naming seryosong-seryoso sa panonood. Pati ako ay napahiyaw nang kaunti. Bumungad ang hubo't hubad na lalaking duguan and ulo at nakabalot ng bubble wrap ang ibang bahagi ng katawan niya. Para siyang karneng i-export! May mga styrofoam rin sa ibang bahagi gaya ng edges ng box. Pero masyado iyong manipis para if ever mauntog siya, eh hindi siya masasaktan. Dahil sa tingin ko, kritikal na ang pagdurogo ng ulo niya. Halatang gasgas mula sa mga tumagos na screw ang nasa braso't likod niya.

“Diyos-miyo! Ano ito?” usal ng isa pa naming kapit-bahay.

Nilingon ko si Aleng Porsing na napatakip na lamang ng kaniyang bibig. “Saan ba siya nanggaling, Aleng Porsing? Ikaw ba ang unang nakakita sa kaniya?”

Kagaya ko, nag-aabang rin ang lahat sa sagot niya.

“Basta itong mga apo ko, sigaw nang sigaw na may helicopter daw. Tapos pagkasuway ko sa kanila, sakto namang sumigaw itong apo kong si Harold na may nahulog daw mula sa helicopter. Pagkalabas ko, ayon nga sumabog ang mga kalabasang nahulugan ng kahon na iyan! Sabi pa nga ng mga bata, UFO raw. Eh, itong apo ko ang talagang nakakita na mula siya sa Helicopter,” mahabang paliwanag ni Aleng Porsing.

“I report natin iyan sa pulis,” ani Wella na natigilan rin nang madako ang tingin niya sa akin. Mukhang nakaramdam din ang iba dahil ako na ang center of attraction ngayon.

“Hija, ikaw ba iyong tinutukoy sa balita sa radio kaninang umaga?” tanong ng kapit-bahay namin na numero unong marites pero mabait naman kasi mapagbigay tuwing may handaan sa kanila.

Tumango ako nang mahina. “Pero hindi ko po alam ang mga pinaparatang nila.”

‘’Ha? Eh, ano pala iyong sinasabi nilang nanguha ka raw ng pribadong dokumento sa  National Museum? Hanep! Dapat ‘yong mga golden accessories ‘yong kinuha mo. Para satisfying!—Aray!’’ putol na sabi ng isa pang tambay na nakiusyuso, na kaagaran namang binatukan ng kaibigan niya.

Nagbuntunghinga ako. ‘’Promise, wala po talaga akong kinalaman diyan. Isa pa, hula ko nga, eh, baka napagkamalang ako lang iyon, o, kamukha ko lang.’’ pagsisinungaling ko. Well, not totally pagsisinungaling. Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari’t hindi pa nag sink-in sa utak ko ang tungkol sa map na nasa kwarto ko. Plano kong aalahanin pa sana iyon. If sleep-walking papuntang bayan ang nangyari, hanep naman at hindi ako nasagasaan, nabunggo sa kung saan-saan, napagkamalang baliw na nakapikit na naglalakad, at iba pang pwedeng mangyaring possible.

At ngayon, dumagdag pa itong nangyayari.

‘’Kung i-report natin ito, baka matunton nila si Gem! Makulong ang crush ko!’’ sabat ni Tonton—hindi niya totoong pangalan. Katorse años pa lang siya, palaging ako ang pinag-ti-tripan dahil crush niya raw talaga ako—since birth!

‘’Kaya nga.’’ Sumang-ayon ang mga kapit-bahay ko.

‘’Saka baka wala pang maniniwala sa atin at sabihin pang tayo ang gumawa nito. Sino ba namang tanga ang mag-e-explain na galing itong helicopter, tapos nahulog lang? Alangan naman ding sabihiin nating hulog ng langit, hindi ba?’’ ani Driego. ‘’Alam niyo namang iba ang pananaw ng mga tagalungsod sa ating nasa probinsiya na nga, maliit na baryo pa’t mahihirap,’’ dagdag niya pa.

Sumang-ayon kaming lahat. Bagyo, lindol, at anu-ano pang mga kalamidad, parati kaming huling natutulungan. At kung tutulungan na, lahat vi-video-han for documentations at ipapakita kaagad sa Television o sa lahat ng News casting platforms. Na-featured lang itong lugar naming nuong natagpuan ng drone ang landscape nito na maganda dahil hindi mga dugyutin ang mga tao rito—mga creative, artistic, at well-maintained!

‘’So, sino ang mag-aalaga nito?’’ tanong ni Aleng Porsing.

‘’Hindi puwede sa amin iyan. Baka mamaya, mas malakas pa kumain ‘yan sa anak ko,’’ pagtanggi ni Marites number one.

‘’Ay! Hindi rin puwede sa amin. Baka pagseselosan lang iyan ng asawa ko,’’ pagtanggi naman ni Marites number two.

‘’Mas lalong hindi puwede sa amin. Baka mamaya mamanyakin pa ako niyan.’’ pagtanggi ni Marites number three na siyang pinag-react-an naman ng mga tambay .

‘’Masyado kang panget at maldita para patulan niyan, Presing!’’

‘’Heh! Walang nagtanong ng opinion mo!’’

‘’Magsitigil nga kayo! Eh, kung sa bahay niyo nalang, Gem. Total, nasa bakuran niyo naman iyan nag-landing. Pagkatapos, magtulungan nalang tayo. Mukhang gwapo naman kasi. Pansin niyo? Ang fair skinned, then feeling ko, malaki rin ‘yong—Aray! Malaki ang magiging blessing kasi! Kapag tutulong tayo, hindi ba magkaka-blessings tayo?’’ Banat ni Marites number four na majority ang sumang-ayon.

Natahimik silang lahat.

So, dito sa aming pamamahay titira itong nahimatay na estranghenyo.

‘’Teka . . . Buhay pa ba ito?’’ pambasag-katahimikan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unconsidered Fairytale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon