“Kuya? Wella!” Ang dilim. Nasaan ba sila?
Sobrang dilim na naman ng paligid. Hindi ko matiyak kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay nawalan na naman ng koryente sa amin at maaga akong natulog.
Kainis talaga, sunod-sunod na itong pagkawala ng koryente sa amin.Nangapa ako sa dilim nang may masagi akong kung anong bagay at nahulog iyon saka nabasag. Nag echo ang tunog ng lagapak sa buong silid kasabay ng pag-ring ng alert siren at paglabasan ng mga red light lasers.
Ha? Anong—
Sandali . . . Bakit nasa kapitolyo ako? Wait, panaginip ’to for sure. Ang random, huh? Ginagago yata ako ng panaginip nato—
“Gem, ano ba? Kanina ka pa tulala riyan.” Napasinghap ako sa biglang pagsasalita ng kung sino.
“Wella, ikaw pala.” Kumalma rin ako kaagad.
“Anong ako pala? Eh, kanina pa ako putak nang putak dito, hindi ka man lang sumasagot,” aniya na may halong inis ang boses.
Huminga ako nang malalim saka siya hinarap. “Ano nga ulit ’yon?”
Inirapan niya ako. “Nevermind. Ang tanong ko lang, bakit gabi-gabi ka nalang gumagala. May boylet kana bang mini-meet up riyan sa kanto?”
Nangunot ang noo ko. “Baliw, anong gala? Nauumay na nga ako sa padalas na pagkawala ng koryente sa atin, eh. Lagi pa akong low battery, siyempre kaurat nalang laging matulog nang umaga. Although healthy living, pero, mhie, this is not me,” sagot ko sa kaniya.
Nagseryoso ang itsura ni Wella, parang hindi natuwa sa sinabi ko. “Gem, kailan walang koryente? Saka anong pinagsasabi mo? Eh, kagabi nga ang sungit-sungit mo kasi sinadya ni Paolo na lock-an ka ng pinto kasi hindi ka nanaman nagpaalam lumabas. Saka pawis na pawis ka at nakapaa pa.” Biglang namilog ang mga mata niya. “Gem, magsabi ka ng totoo. May mga tambay ba na gumawa ng masama sayo?”
Ano bang pinagsasabi ng Wella na ito?
“Wella—”
“Gem, alam mong parang kapatid na kita. Magsabi ka sa akin tutulungan kita. Hindi mo kailangang sarilihin ang pasan-pasan mo ngayon,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.
“Ang OA, ha?” bulong ko sa isip.
Napakamot ako ng ulo at inis siyang tiningnan. “Wella, wala ako sa mood para sa prank mong ’yan. Na-finalize mo na ba iyong resume mo? Akin na ’yong file, ako na magpa-print.”
Kunot-noo lang siya at seryosong nakipag staring contest sa akin na kalaunan naman ay bumigay rin nang sinabayan ko siya sa trip niyang makipagtitigan.
Ako nalang ang nagpasa via Bluetooth ng file niya saka ako tumayo. Katatapos lang pala naming kumain. Kaya pala nag d-daydreaming ako kanina tungkol sa napanaginipan ko kagabi.
Weird but sunod-sunod na itong nangyari sa akin. Parang naka-series lang ang peg ng mga panaginip ko, ano? Ngayon, nasa kapitolyo raw ako, kahapon, nasa same museum parin ako gaya noong una.
Third day? Oo parang ganoon na nga. Pero iyong sinabi ni Wella, imposible naman iyon dahil kinaumagahan ay nagigising ako sa kuwarto ko. But unlike last last day na maydala akong gamit—papel na punit na—
Wait ano nga pala iyon?
Naglakad ako papuntang kuwarto ko. Naalala kong maydala nga pala akong scroll last last day na talagang nagpapa-confuse sa ganda ko. Pero dahil nga busy kami ni Wella sa umaga sa pag-a-apply ng trabaho, nawala na sa isip ko. Work from home lang siya kasi buntis siya. Pero if need ko parin siya gawan ng hard copy ng resume just incase. While on field talaga ako kasi siyempre umaasang makakita ng prince charming kaya dapat exposed lagi ang aking alindog—eme!
Pero what if nga kasi naglalakad talaga ako habang natutulog? Katakot naman. Baka mamaya may makakita sa aking bagong lipat na taga siyudad, tapos ang hagard ko habang nag sleep walking, tapos naglalaway pa.
Hay naku, nadala na tuloy ako sa mga sinasabi Wella. Hindi naman na kasi bago sa akin ang mag sleep walking. Bata pa lang ako, problema na ni kuya iyan. Kaya nga magkatabi talaga kami matulog dati, pwera nalang noong nagdadalaga na ako.
Nasa study table ko parin ang scroll. Binuklat ko iyon. Napakalumang papel na may punit sa south part ng map. Mapa pala ang scroll na ito. Parang iyong mga maps na ginagamit ng mga pirate sa movies ba.
Nagdadalawang isip ako kung itapon o isauli nalang. Pero hindi naman talaga ako sure kung galing talaga ito sa museum na nasa panaginip ko. Baka magmukha lang akong tanga roon kung bigla bigla akong pupunta roon para magsauli ng basura naman pala talaga.
Or baka . . . Hala!
Baka reference drawing to ni Kuya! Naku! Napunit pa naman. Baka reference niya ito sa may magpapa-tattoo sa kaniya. Patay ako nito.
Dali-dali kong itinago sa drawer ko ang scroll matapos kong kuhanan iyon ng picture. Magpa-print nalang siguro ako ng same image nito. I'm so smart talaga.
Naghanda na ako sa mga requirements ko pati kay Wella. Lumabas narin ako ng kuwarto pagkatapos.
Magpapaalam na sana ako nang biglang humarang si kuya.
“Saan ka pupunta? Dito ka lang,” ma-awtoridad na sabi ni kuya.
Nangunot ang nuo ko at taka siyang tiningnan. “Bakit? An’yare?”
“Gem . . . Hinahanap ka ng mga pulis. Wanted ka. Tingnan mo!” Si Wella na puno ng takot at pag-aalala saka niya iniharap sa akin ang cellphone niya na may headline ng balita.
“WANTED GEM LACOSTE FOR STEALING PRIVATE PROPERTY FROM NATIONAL MUSEUM AT **** ZONE, *** CITY”
“Fake news iyan!” galit na sabi ko. Ginagago ba nila ako? Baka kagagawan ito ng dati kong katrabaho na bitch na halatang inggit sa skincare routine ko. Na lagi akong sinisiraan kaya noong nagbawas ng mga tao ang company, obviously ang bilis kong napatalsik.
“Nasa Radio na rin ito kanina, Gem. Habang nasa kuwarto ka. Ano ba talagang nangyayari sa iyo?” Natigilan ako nang magsalita ulit si Kuya.
Napatingin ako sa kaniya. Halatang pinaghalong galit at pag-aalala ang nakikita ko sakanya ngayon.
“Wala akong alam, kuya. Buong linggo na akong tambay at pagala-gala lang sa internet para maghanap ng trabaho o hiring. Hindi pa ako nakabalik ng siyudad.”
“Huwag ka ngang magsinungaling. Kagabi, kahapon, noong nakaraang gabi, nasaan ka ng mga gabing ’yon? Hindi ka nagpapaalam sa amin. At saka masama pa nga ang luob ko sayo dahil sa sinabi mo kagabi, eh!” bulalas ni kuya.
Kahit kaunti wala akong ma gets sa mga sinasabi niya.
“Ano ba ang sinabi ko?” tanong ko.
“Ewan, parang ibang linggwahe, pero sa tono, parang minumura mo ako. Maybago kana palang mga barkada ngayon? Iyan na ba ang mga itinuturo nila sa’yo? Pati pagnanakaw?”
“Kuya! Wala akong ninanakaw! Wala akong alam sa mga sinasabi ninyo! Maaga akong natutulog ngayong mga araw dahil laging brownout sa gabi!” Hindi ko mapigilang mataasan na ng boses ang kuya ko. Kung anu-ano nalang kasi ang mga sinasabi niya.
“Anong brownout na pinagsasabi mo?” aniya.
“Iyan rin ang sinabi niya kanina, babe. Madalas raw walang koryente mula nitong nakaraan. Eh, hindi naman, Gem.” Si Ate Wella na may kalmadong boses.
Hindi ko inaasahang makaramdam na ako ng takot. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Wala akong alam sa mga sinasabi nila.
“Kung ganoon, ano bang ninanakaw kong private property?”
Nagkatinginan silang dalawa. “Ancient documents daw mula sa museum, Gem, sabi ng article.”
Nanlamig ako sa aking kinatatayuan nang maalala ang scroll. Magsasalita na sana ako nang biglang may malalakas na katok kaming narinig mula sa aming pinto.
Napasinghap kaming lahat at napatingin doon. Hindi kaya'y huhulihin na ako ngayon ng mga pulis?
BINABASA MO ANG
Unconsidered Fairytale
RomanceBlurb: Ang akala kong panaginip na bigla nalang akong nasa National Museum na may kinuhang papel na tiyak akong isa sa mga preserved items doon ay naging dahilan upang maging wanted ako sa buong siyudad sa kasong pagnanakaw. Naharangan ang pagtakas...