“Three, four, five. Five thousand. Limang-libo. Pagkakasyahin ko pa ito up to two to three weeks. Kainis.” Ibinalik ko sa drawer ang natitirang perang inipon ko mula sa trabaho ko dati.
Bigla nalang silang nagbawas ng mga tao dahil sa paghina nito, at dinamay pa talaga ako sa mga sinisesante nila.
“Saan naman ako mag-aaply nito?” bulong ko sa sarili.
“Gem, pwede bang dito na muna ako matulog sa kuwarto mo mamayang gabi? Nabu-bwisit na naman ako sa kuya mo. Huh? Kahit ngayon lang.” Si Wella—asawa ng kuya ko.
Silang dalawa na lang ang pamilya ko. Buntis si Wella, kaya future tatlo na ang magiging family ko soon. At first si kuya na lang natitirang pamilya ko nang pinatay ng depression ang mama namin, at sa huli naman ay sumama ang papa namin sa ibang babae. Buti nalang ay mabait si Ate Wella at mabilisan ang pagkakasundo namin. Hindi ko siya tinatawag na ate dahil ayaw niya. Hindi naman ganoon ka layo ang agwat ng edad namin. Sobrang close na namin—ni hindi na namin big deal kung mumurahin namin ang isa't isa.
“Ano na namang nangyayari sa inyong dalawa? At saka anong "ngayon lang"? Eh, halos dito kana nga titira sa kuwarto ko. ’Kasawa mukha mo." Inirapan ko siya.
Wala ako sa mood dahil alam kong paubos na ang pera ko.
Tumawa lang siya at naglambing. “Kinukulit na naman kasi ako ni Pao-pao. Eh, ayaw ko. Not now, wala ako sa mood. Kaya ayon, nagagalit-galitan. Akala niya naman madadala ako roon. Sino bang tinatakot niya?”
Napaismid ako. “’Sus, kunwari kapa. Hanggang alas dyes ka lang naman makikitulog rito. Kinaumagahan hubo't hubad kana sa kuwarto ninyo,” sabi ko na siya namang pamumula ng pisngi niya.
“Kadiri ka! Maka-alis na nga,” sigaw niya saka padabog na umalis sa silid ko. Napailing na lamang ako.
Si Wella na rin ang nagsilbing best friend ko. Galing siya sa orphanage, nakilala niya ang kuya ko nang naging malaya na siya noong eighteen years old na siya. Naging sila ng kuya ko when she was nineteen. I was sixteen that time. Mga limang taon narin pala kaming magkakaibigan ni Wella.
Si Kuya Paolo ay isang tattoo artist sa aming baranggay. Halos kaibigan niya ang lahat sa lugar namin. Matulungin, makuwela, at masayahing tao kasi si kuya. Cringe at corny pagdating sa babae niya.
Ako? Ano lang, damo. A jobless Disney Princess. Ang dating worth to risk na Gem Ashley Lacoste ay nagiging no value na. Kung pwede lang na isanla ang pangalan ko, ginawa ko na.
Hay naku! Inaantok tuloy ako kaiisip sa sitwasyon ko. Kung makatulog ba ako, pagdilag ko ba'y yayaman na ako? Promise gagamitin ko talaga nang tama iyong pera, eh. Tutulong talaga ako!
“Sana pag gising ko, mayaman na ako. Siyempre, in my dreams.”
Kaso ang init! Dumilat ako at akmang tatayo para i-on ang electric fan nang bigla akong matigilan.
“Walang koryente? Bakit ang dilim?” usad ko sa sarili.
“Wella, Kuya!” tawag ko sa kanila pero walang sumagot.
Nangapa ako sa dilim. Hindi rin katagalan ay nakapag-adjust rin ang vision ko.
Sandali, wala ako sa bahay!
Humakbang ako paatras na sana'y di ko nalang ginawa. Hagdan pala ang nasa likoran ko. Pagkahakbang ko mismo ay ang siya namang pagkahulog ko mula roon. Pagulong-gulong ako paibaba.
“Aray!”
Sobrang sakit sa braso at likod!
Napahawak ako sa ulo ko, pinakiramdaman ang sarili. Pero nagulat ako nang may papel akong hawak-hawak.
“Ano ’to?”
Binuksan ko ang naka-scroll na papel. Hindi ko nakikita ang nakasulat doon sa dilim. Nangunot ang noo ko at, napaangat ng tingin sa paligid. Nanliit ang mga mata ko para i-process ang lugar kung nasaan ako ngayon.
“Museum?”
Nasa National Museum ako? Anong ginagawa ko rito sa hating-gabi?
Napatingin akong muli sa scroll. Pinakiramdaman ko ang material nito. Kahoy yata ang handle nito. Medyo magaspang. Amoy chemical at lumang papel.
“Bakit nasakin to? I'm sure preserved writings ito rito! Ang tanga mo, Gem!” saway ko sa sarili.
Tatayo na sana ako para isauli ang scroll kung nasaan man ito nanggaling—well, hindi ko rin alam, nang makarinig ako ng yapak mula sa hindi kalayuan. May umiilaw-ilaw na sure akong flashlight.
“Patay! Baka mapagkamalan pa akong magnanakaw rito!” sabi ko at nagmamadaling nangapa, umaasang makita ang exit.
Isang beses ko palang napuntahan itong Museum. Sa dilim ng paligid, tiyak na aabutin ako ng liwanag kakatago rito.
Binitawan ko ang scroll. Hindi iyon sa akin. Pero pagkabitaw ko mismo ng scroll ay bigla na lang akong tila nag-shutdown. Wala na akong maaalala pagkatapos niyon.
Kinabukasan, nagising akong nasa kuwarto ko na. Pawis na pawis at parang binagsakan ng lupa. Sobrang sakit ng katawan ko! In fairness ng panaginip na ’yon, realistic masyado.
Napatingin ako sa aking kamay. Hawak ko parin ang scroll.
So, hindi ako nananaginip?
BINABASA MO ANG
Unconsidered Fairytale
RomanceBlurb: Ang akala kong panaginip na bigla nalang akong nasa National Museum na may kinuhang papel na tiyak akong isa sa mga preserved items doon ay naging dahilan upang maging wanted ako sa buong siyudad sa kasong pagnanakaw. Naharangan ang pagtakas...