Sabi nila ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Lahat daw ay naaayon sa gusto ng puong may kapal. Pero papaano kung ang inakala mong taong nakatadhana sayo ay isa lamang pagsubok? Isang pagsubok kung saan magbabago ang pananaw mo pagdating sa larangan ng pag-ibig? Ang dating tuwid na paniniwala mo ay naging baluktok. Ang dating nagmamahal ng babae ay ngayon ay umiibig at humanga sa kapwa lalaki. Ano ang gagawin mo sa ngalan ng pag-ibig? Handa kabang ipaglaban ito o hahayaan nalang ang tadhanang maglapit sa inyo? Si Paul, labing pitong taong gulang at nangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng maayos na trabaho. Ngunit papaano kung ang kursong gusto niya ay hindi niya nakuha? Ano ang mangyayari sa pangarap niya? Papaano kung ang kursong ibinigay sa kanya ay ang kursong magbabago ng kanyang pagkatao? Ano ang gagawin niya? Susubukan niya ba ito o uurungan ang pagkakataon? Ito na kaya ang tadhanang sinasabi sa kanyang kapalaran? Ito na kaya ang umpisa ng kanyang pagbabago o ito na ang katapusan ng kanyang pangarap? Si Jasper, isang lalaking nangarap na maging isang mahusay na aktor at modelo pero magtutuloy tuloy pa rin kaya ang kanyang pangarap kapag nakita niya ang taong magpapatibok ng kanyang puso? Papaano babaguhin ng taong nagpatibok ng kanyang puso ang kanyang kapalaran? May pagasa kaya sila o mananahimik nalang at magpapanggap na walang nararamdaman sa isa't isa? At papaano kung ang taong inakala niyang magmamahal at hindi gagawa ng masama sa kanya ay pagtangkaan siya ng hindi maganda. Masisira kaya ang kanyang tiwala o mas lalo lang mahuhulog? Lalayo kaya siya o babaliwalain niya lang ito? Paano pagtatagpuin ng isang kurso ang dalawang pusong nangangarap ng matayog? Ito kaya ang kursong sisira sa kanila o ito ang tuluyang maglalapit sa kanilang dalawa? -At ito ay dahil sa "Ang Kursong hindi ko Inakala"All Rights Reserved