"Sigurado ka ba talagang kaya mong mamasukan?" tanong ulit ni nanay Nelia. Hinatid niya ako ngayon dito sa terminal ng bus papuntang Bulacan.
Mamamasukan ako bilang kasambahay sa isang mayaman na pamilya sa Bulacan. Kapatid ni nanay ang mayordoma doon kaya naman ng may bakante doon ay nagprisinta ako na ako na lang ang kunin.
Nag-aalangan si nanay dahil baka mahirapan daw ako. Kaya heto nga at nakailang tanong na sa akin hinihintay na magbago ang isip ko.
Muling sumigaw ang konduktor ng bus kaya naman muli akong yumakap kay nanay bago ako umakyat ng bus. Sa pangalawang upuan ako at sa may gilid ng bintana umupo.
Kumaway ako kay nanay na may bakas ng pag-aalala sa mukha habang nakatanaw sa akin. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti upang ipakita na ayos lang ako.
Muli akong kumaway ng magsimula ng patakbuhin ng driver ang bus at unti-unti ng lumabas ng terminal. Inayos ko ang kurtina ng bus ng masikatan ako ng nakakasilaw na araw na tumatama sa bintana.
Bumuntong hininga ako at taimtim na nanalangin. Nang nasa Nlex na ang sasakyan ay nagsimula na akong luminga-linga at baka maligaw o malampas ako.
Muli kong tinanong ang konduktor pero sinabihan ako na malayo pa daw. Sasabihan na lang daw ako kapag nandoon na.
Nang makalabas ng Nlex ay naging alerto na ako. Inayos ko ang bagback at nilagay ko sa harap ko.
Nilingon ako ng konduktor at sinabing malapit na daw kami. Ilang minuto nga lang ay huminto ang bus at tinuro sa kabilang bahagi ng kalsada ang gate ng subdivision na pupuntahan ko.
"Salamat po, manong," wika ko bago bumaba.
Tumingin ako sa kaliwa ko bago mabilis na tumawid hanggang sa gate ng subdivision. Sinabi ko sa guwardya ang sadya ko na pamilya at pinakita ko din ang address na nakasulat sa maliit na papel.
Bumalik sa loob ng guard house ang guwardya upang itawag ang presensya ko. Lumabas siya ulit at sinabing ihahatid na daw niya ako. Sinakay niya ako sa mobil na gamit nila at hinatid sa pupuntahan ko.
Isang victorian style ang mansyon ang bumungad sa akin. Napatingala ako at 'di ko mapigilang mamangha. Naisip ko tuloy bigla bakit isang victorian style ang pinatayong bahay sa halip na Japanese inspired na bahay. Kasi sa pagkakaalam ko ay half Japanese ang lalakeng may ari ng bahay. Akihiro ang kaniyang apelyido.
Hindi na ako nag-doorbell dahil kita ko na palapit na din sa gate si nanay Susan na inasahan na din ang pagdating ko. Malapad ang kaniyang ngiti.
Niyakap niya ako at giniya papasok ng mansyon. Naglakad kami at 'di ko mapigilang hindi mamangha sa ganda ng bahay mula dito sa loob. Napatingala pa ako ng mapansin ang magandang disenyo sa kisame na nakikita lang madalas sa mga movies.
Ang ganda din ng disenyo ng hagdan. Muli kong tinuon ang pansin ko sa pasilyo na linakaran namin ng mapansin ko na mamahalin ang mga gamit na nadadaanan namin. Iba dito ay mga mukhang antigo pa na vase. Mahirap makabasag baka wala akong sasahurin.
Sa maid quarters ako dinala ni nanay Susan. Malawak ito at may mga kuwarto, may sala din at kusina para sa lahat ng mga naninilbihan para sa pamilya.
"Ipaghanda muna kita ng tanghalian," wika ni nanay bago ako iniwan dito sa sala. Pinasok ko na lang din ang bag sa kuwartong tinuro niya sa akin.
Lumabas din ako papuntang kusina kung nasaan si nanay. Sinabayan na niya akong kumain at nagkuwentuhan kami patungkol kay nanay na kapatid niya.
Kinahapunan ay lumabas na ako para tumulong sa kusina. Mukhang hindi naman gano'n kabigat ang trabaho dahil madami naman kaming mga kasambahay.
Nang maihanda na ang hapag para sa hapunan ng mga amo namin ay sakto din na pumasok sa dining area ang mga amo namin. Isang 40's na ginang na maganda at sopistikada ang amo ko. Ang lalake naman ay matikas na sa kaniyang edad na early 50's kung hindi ako nagkakamali.
"Siya ba ang pamangkin mo, Susan?" tanong ni madam kay nanay.
"Opo, ma'am," sagot ni nanay. Ngumiti ako at bahagyang nag-bow sa kaniya. Ngumiti siya pero ang mga mata'y nangingilatis.
Tapos ngumiti ulit at tinuon na ang pansin sa pagkain. Tinignan din ako ng asawa niya at ngumiti.
Matapos kumain ng mga amo namin ay agad na naming nilinis ang kusina upang makakain na din kami at makapagpahinga.
"Maganda itong pamangkin mo, nanay Susan," wika ni Kuya Berto kay nanay. Siya ang driver ni Sir. Ang driver ni ma'am ay stay out daw dahil ang bahay ay malapit lamang duto sa may labas ng subdivision.
"Bata lang 'yan, Berto," puna ni ate Mely kay kuya Berto kaya nagtawanan kaming lahat. Nagkamot pa si Kuya Berto ng ulo.
"Bukas maglinis tayo ng mga kuwarto, Scarlet," wika ni ate Mely. Tumango ako at tinapos na ang aking pagkain.
NApatunganga ako habang pinagmamasdan ang malaking litrato dito sa may taas ng hagdanan.
Seryoso ang mukha niya pero may kung ano sa kaniyang mukha niya na nakakapang-hipnotismo at mapapatitig ka talaga.
Napatalon ako ng marinig ko ang tikhim sa aking gilid. Mabilis akong napatingin kay madam at mabilis ding nagyuko. Nahiya ako dahil nakita niya akong nakatitig sa larawan ng kaniyang anak.
"My son is really gorgeous," wika niya habang pinagmamasdan ang anak.
Nakayuko pa din ako at tahimik. Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko din na gorgeous nga ang kaniyang anak dahil nahihiya ako sa pagkakahuli niya sa akin habang nakatitig sa anak. Ilang minuto pa ang madam na nakatayo bago ito naglakad at hindi na muling nagsalita pa. Hawak ko ang dibdib ko at malakas na bumuntong hininga bago dali-daling tinungo ang silid na lilinisin ko.
Nakakahiya ka! Mabuti at 'di ka pinagalitan. Kastigo ko sa sarili ko.
Ang banyo ng silid ang una kong pinuntahan upang linisan.Paglabas ko ng pinto ng banyo ng mapansin ko ang isang malaking picture frame na nasa headboard ng kama. Muli na naman akong natulala sa larawan.
Pero hindi tulad ng larawan na nasa labas ay nakangiti siya ngayon dito. Parang mas guwapo siya kapag nakangiti. Napakurap ako at nailing ng mapatulala na naman ako.
Naku, 'pag nahuli ka na naman, yari ka na talaga. Nang matapos kong linisan ang kuwarto ay nilapitan ko ang picture at bahagyang hinaplos. Nangiti ako at napapasong umalis.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Dahil sa picture nagkakaganito ako.
BINABASA MO ANG
Marupok Series: The Billionaire's Maid INCOMPLETE
RomancePaano nga ba turuan ang puso kung kanino ito dapat tumibok? Photo used not mine. Credits to the rightful owner December 2020 - January 22 2021