Kakalabas ko lang mula sa banyo ng mapansin kong bukas ang pinto ng kuwarto ko. Mabilis akong pumasok sa loob at nagulat ako ng makita ko si sir Carl habang nakatingin sa mga damit ko na nakapatong sa kama. Nandoon ang pamalit kong mga underwear.
"M-may kailangan ka po, sir?" tanong ko at mabilis na kinuha ang mga damit ko na nasa kama. Nailang ako sa mga underwear pero hindi ko naisip na nakatapis lang ako ng tuwalya.
"Sinusumpong ako ng insomnia ko. Samahan mo ako, maglaro tayo ng baraha," wika niya. Tumango naman ako at sinabi kong hintayin niya muna ako sa labas dahil magbibihis muna ako. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa aking katawan kaya naman nailang ako. Lumabas siya ng kuwarto at mabilis kong sinara ang pinto.
Binilisan ko ng magbihis baka mainip si sir sa labas. Nagsuot ako ng tshirt at pajama.
Paglabas ko ay agad naglakad si sir palabas ng maids quarter. Akala ko sa sala o garden kami tatambay pero nagulat ako ng sa kuwarto niya ang tungo namin. Bigla tuloy akong kinabahan at pumasok na naman sa utak ko ang halik niya noon sa akin.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay dahil nakita niya ang pag-alangan ng aking mukha.
"Maglalaro lang tayo," sabi niya sabay ngisi. Tumango ako at tahimik na sumunod sa kaniya. Nauna na akong maupo sa couch na malapit sa terrace. May braha siya sa center table na agad kong inabot at binalasa.
Sa mini ref siya dumiretso at naglabas ng dalawang bote ng beer at chocolate. Kumuha din siya ng mga imported na crackers sa maliit niyang cabinet sa tabi ng ref.
"Umiinom ka naman siguro no?" tanong niya at nilapag sa harap ko ang isang beer. Tumango naman ako at pinulot ang bote at lumagok. Isang beses pa lang ako nakapag-inom. 'Yon ay noong 18th birthday ko kasama ang mga kaibigan ko.
Umupo siya sa pang-isahang couch na nasa tapat ko. Sinimulan ko ding magbalasa at maglagay ng braha namin.
Maglalaro kami ng tong-its at sa bawat laro ay ako ang panalo. Nangingiti ako habang si sir naman ay napakaseryoso ng mukha, marahil ay dahil sa sunod-sunod na pagkatalo niya.
"Ang boring," sabi niya.
"Sabi mo lang 'yan kasi natatalo ka," sagot ko naman. Nangiti siya at hinawakan ang kaniyang baba gamit ang ilang mga daliri niya.
"Gawin nating masaya ang laro," mungkahi niya.
"Paano?" tanong ko naman.
Medyo may tama na ako sa beer na iniinom namin. Nasa pangalawang bote na ako. Kaya naman ramdam ko na ang pangangapal ng aking pisngi. Marahil ay pula na din ang mukha ko."Kung sino matalo maghuhubad ng suot." Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya. Tinaasan niya ako ng kilay at tila ba naghahamon.
"Okay," simple kong sagot.
Tumawa siya na akala mo matatalo niya ako. Marahil dala ng alak ay hindi ko na naisip pa ang kahihiyan kapag nakit niya ang kahubadan ko.Sinimulan na namin ang laro. Una ay natalo ako. Hinawakan ko ang aking isang tenga at tinanggal ang isang hikaw ko. Natulala siya sa ginawa ko. Nginisihan ko siya.
"Madaya," sabi niya.
"Paanong madaya, suot ko naman hikaw ah," katwiran ko.
Okay sabi niya at naglaro kami ulit. Siya ang talo kaya naman nagtanggal siya ng kaniyang relo.
Sunod-sunod ang panalo niya at nahubad ko na ang aking tshirt at pajama, bra at panty na lang ang natira. Siya naman ay suot pa ang kaniyang tshirt at short.Medyo nailang ako. Hindi naman sa hindi ako confident sa katawan ko pero flat naman ang tiyan ko at maganda ang hubog ng aking katawan. Makinis at maputi din ako.
Uminom ako ng beer. Medyo nahihilo na din ako kaya naman napakurap-kurap ako ng aking mga mata.
Tuwang-tuwa ako ng natalo siya at naghubad siya ng tshirt. Napalunok ako ng makita ko ang maganda niyang katawan. Batak ang kaniyang muscles halatang alaga sa gymn. Mayroon din siyang mala-pandesal na mga abs.
Ngumisi siya at tila ba nasiyahan sa nakitang reaksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagbalasa ulit ng braha. Sunod ay ako ang natalo. Hinubad ko ang aking bra at tumambad ang bilugan at mapuputi kong dibdib.
Nakatingin lang din siya ng mariin sa dibdib ko. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang adams apple.
Siya ang natalo kaya naghubad siya ng boxer shorts. Nag-iwas ako ng tingin bago pa niya mahubad ang boxer. Nahiya ako, alam ko naman na may suot pa siyang briefs.
Naglagay siya ng panibagong beer sa tapat ko. Inubos ko ang nauna ko ng beer. Nakikita ko siyang panay ang sulyap sa akin partikular sa aking dibdib. Tinignan ko din siya. Nasa kulang dalawang metro ang layo namin sa isa't-isa.
Maya-maya ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Marupok Series: The Billionaire's Maid INCOMPLETE
RomancePaano nga ba turuan ang puso kung kanino ito dapat tumibok? Photo used not mine. Credits to the rightful owner December 2020 - January 22 2021