Four

11.1K 220 9
                                    

Day off ko ngayon at 'di gaya ng nakagawian ko na natutulog lang kapag day off ko ay iba ngayon. Pinili kong maagang umalis at magsimba. Iisipin ko pa ang iba kong gagawin at pupuntahan para hapon na ako makauwi.

Hanggang ngayon hindi pa din ako maka-get over sa nangyari kagabi.

Flashback....

"Ang layo mo naman, usog ka pa dito," sambit ni sir. Nasa dulo kasi ako ng couch at si sir ay nasa dulo din. Lumapit naman ako, pero may kalahating metro pa na awang sa pagitan namin. Agad ko siyang sinandukan ng ulam at kanin sa plato bago inabot sa kaniya.

Inabot niya ito at bahagya pang nahawakan ang daliri ko. Nakatingin siya sa akin habang may mga ngiti sa labi. Nag-iwas ako ng tingin at agad binitawan ang plato.

"Kumain ka din," alok niya sa akin. Umiling ako at sinabing tapos na akong kumain at hindi ako nagugutom.

Binaba niya ang plato at lumapit sa mini ref na nasa gilid. Naglabas siya ng pagkain mula roon at inabot sa akin.

"Ibibigay mo sa akin ang mga ito, sir?" tanong niya habang nakatingin sa toblerone at timtam na nasa mga palad niya. Tumango ang amo at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maaawa sa reaksyon ng dalaga.

"Nakakahiya naman po, sir," sagot ni Scarlet habang nakatingin pa din sa chocolates na hawak.

"Madami pa diyan, kung gusto mo sayo na lahat," sagot niya na ikinalaki ng mata ni Scarlet.

"Naku, sir, ayos na po ito, thank you ha," sagot niya. Mukhang walang planong buksan at kainin ng dalaga ang chocolate kaya naman kinuha niya ang isa at binuksan.

"Kainin mo na," wika niya. Kumagat ako ng maliit sa timtam na hawak ko. Napangiti ako dahil napakasarap niya.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni sir. Tumango ako at nangiti sabay kagat pa ulit. Mas malaki na ang kagat na ginawa ko para malasahan. Pinapanood ako ni Sir habang kumakain. Hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya.

Magsasalita sana ako ng maramdaman ko na magdikit ang aming mga braso, lumapit siya sa akin. Nailang ako at kinabahan, hindi ko kayang tumingin sa kaniya. Mataman siyang nakatingin sa akin.
Amoy na amoy ko ang mabangong panlalakeng scent niya na nakadagdag sa kabang nararamdaman ko.

"Ang kalat mong kumain," wika niya at pinahid ng kaniyang daliri ang gilid ng labi ko. Nangiti ako pero hindi ko maitago ang pagkailang na nararamdaman ko habang mataman pa din siyang nakatingin sa mukha ko.

"May dumi pa po ba ako sa mukha, sir," tanong ko habang pinapahid ng palad ko ang buong mukha ko.

Umiling si sir at nakita ko kung paano bumaba ang kaniyang mga tingin papunta sa aking mga labi. Napalunok ako at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa bilis ng tibok ng aking puso. Para din akong kakapusin ng hangin. Lalayo na sana ako dahil hindi ako komportable sa pagkakadikit namin ng hawakan niya ako sa leeg.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong nakaramdam ng iba't-ibang sensasyon sa pagdampi ng kaniyang mainit na palad sa aking leeg.

"M-may l-lagnat ka po, Sir," nauutal kong wika. Hindi ko magawang umiwas sa kaniyang tingin. Sa mga napapanood ko sa palabas ay eto ang bandang hahalikan na ng bidang lalake ang bidang babae.

Alam kong sa mga oras na ito ay pulang-pula na ang mukha ko. Maging ang tibok ng aking puso ay mas mabilis pa. Pinikit ko ang aking mga mata ng mariin.

Alam kong napangisi si sir sa ginawa ko at sunod kong naramdaman ang pagdampi ng mga malambot niyang labi sa mga labi ko.

Akala ko ay mabilis na halik lang ang gagawin ni sir pero naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga labi.

Hindi ko alam kung paano humalik dahil first time ko ito. Para akong tuod na nakaupo habang siya ay hinahalikan ko. Bahagya niyang sinipsip ang pang-ibaba kong labi.

Napasinghap ako na dahilan ng pagpasok niya ng kaniyang mga dila sa loob ng aking bibig.

Napakabango ng hininga ni sir. Nalalasahan ko ang menthol sa gamit niyang mouth wash.

Napakapit ako sa kaniyang damit habang hinahalikan niya ako. Napaungol ako ng makaramdam ako ng kiliti. Pakiramdam ko nag-iinit ako. Ang aking gitna ay namintig at namamasa.

Mabilis kong tinulak si sir. Nagulat siya sa ginawa ko at ako naman ay napahawak sa aking labi. Pakiramdam ko ay namamaga ito ngayon.

"B-Bakit m-mo ako hinalikan, s-sir?" tanong ko.

"I don't know," sagot niya na kinadismaya ko. Ang pagkakaalam ko hahalikan mo lang ang isang babae kapag gusto mo. Laking Maynila din ako pero hindi naman ako liberated na tao.

"F-first kiss ko 'yon," halos bulong kong sambit. Nangiti siya sa akin.

"I know," wika niya habang may ngisi sa labi. Nainis ako sa kaniya kaya naman agad akong tumayo.

"Where are you going?" tanong niya at mabilis akong hinawakan sa aking mga kamay.

"Matutulog na po ako," sagot ko.
Binitawan niya ang kamay ko at kinuha niya ang mga chocolate na bigay niya sa akin.

"Goodnight, sorry about the kiss," wika niya. Hindi ko siya nagawang lingunin. Dismayado ako lalo sa sinabi niya. Bakit siya nag-sorry sa kiss? Hahalikan niya ako tapos mag-sorry siya.

Mabilis akong naglakad hanggang sa maids quarter. Pagsara ko ng pintuan ay marahas akong bumuntong hininga. Hawak ko ang aking dibdib sa isang kamay at ang isa naman ay sa aking mga labi.

Nangiti ako kahit na may inis akong nararamdaman. Oo nga at crush ko si sir at siya ang first kiss ko. Pero tama bang basta ka na lang nanghahalik tapos sasabihin hindi alam bakit niya ako biglang hinalikan. Akala ko pa man din sasabihin niya na gusto niya ako kaya niya ako hinalikan.

"Oh, anyari at nag-walling ka diyan," wika ni nanay Susan, na nasa hamba ng pintuan ng aming silid. Napatalon pa ako sa gulat sa bigla na lang niyang pagsasalita.

"Ah, wala po 'nay," sagot ko at mabilis ng naglakad papasok ng kuwarto.

Marupok Series: The Billionaire's Maid INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon