Five

14.4K 258 51
                                    

"For dine in, isang A, regular coke ang drinks at samahan mo na din ng regular fries at sundae," wika ko habang bumubunot ng pera sa wallet ko. Dito sa SM ang bagsak ko na kahit malayo sa bahay na pinapasukan ko ay dito na ako dumiretso pagkatapos kong magsimba.

"Make it two, Miss," singit ng boses. Hindi ko na sana ito papansinin pero nag-abot siya ng bills sa cashier bago pa ako mag-abot. Aba't teka nga, sumisingit ba ng pila ang lalakeng ito.

Napakagaling naman talaga. Nakabusangot ako na nag-angat ng tingin sa kahera at sinabing hindi ko siya kilala. Pero parang walang narinig ang kahera, kumukuha na siya ng panukli habang namumula ang pisngi. Kaya naman nilingon ko ang lalake na feeling close makasingit lang sa pila.

Pagpihit ko ay agad nanlaki ang mata ko ng makita ang ngising-ngisi na si sir Carl.

"S-Sir, kayo po pala," wika ko at agad ding humarap sa kahera ng tawagin siya para sa sukli.

"Hindi ka naman siguro magagalit kung sabay tayong maglunch?" tanong niya. Hindi na ako sumagot, dahil ano ba ang magagawa ko heto nga at sumingit pa siya sa pag-order ko.

Iniiwasan ko nga siya kaya ako lumabas ngayong day off ko pero heto at nagkita pa kami dito sa mall.

Naalala ko na naman ang halik. Kamuntik ko pang haplusin ang mga labi ko-- buti at napigilan ko. Baka mamaya makita niya at pag-isipan pa ako na gustong-gusto ko ang halik niya. Eh hindi naman.

"Bakit ka namumula?" tanong niya habang nakasunod sa akin papunta sa bakanteng mesa na nasa dulo.

"Ahm, blush on ko 'yun, sir," sagot ko naman at hinaplos ang pisngi ko. Feeling ko tuloy nababasa niya ang nasa utak ko ngayon. Nakakahiya talaga. Narinig ko siyang natawa. Wala naman akong sinabi na nakakatawa ah. Pakiramdam ko mas lalo akong pinamulahanan.

Nang makarating kami sa table ay biglang naging awkward para sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin o kung ako ba ang dapat magsalita.

Si sir naman ay inaayos ang aming mga pagkain sa table kaya naman mabilis kong kinuha ang sundae mula sa tray.

"Let me," wika niya.

"Pero-

"Nasa labas tayo, day off mo at hindi kita maid," seryoso niyang sambit.

Tahimik lang ako hanggang sa umayos na din ng upo si sir at giniya na kumain na daw kami. Sa tapat ko siya umupo kaya naman medyo hindi nakakailang, dahil magtabi lang kami ni sir ay natutuliro na ako.

Pero ng mapansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin habang nakaupo sa harap ko ay parang mas lalo atang awkward. Bigla akong na-concious sa bawat pagsubo ko, samantalang kapag kumakain ako ng chicken ay hinahawakan at kinakagatan ko.

Dahil disposable ang spoon and fork na gamit ko ay hindi ko tuloy magamit ng maayos. Nailing ako. Si sir naman ay pansin kong tinatanggal muna niya sa buto ang laman ng chicken. Eksperto niyang ginamit ang plastic na spoon and fork habang ginagawa iyon. Nang matapos na lahat ay bigla niyang inabot sa akin ang plato.

Napamaang ako ng matanto ang ibig niyang sabihin.

"Palit tayo," wika niya. Sasabihin ko pa sana na nabawasan ko na ang akin pero mabilis na niyang nakuha at simulang kumain.
Nanlaki ang mata ko ng gamitin din niya ang spoon and fork na nagamit ko na.

"Luh, sir, nagamit ko na 'yan at nabawasan," wika ko habang nakatingin sa kaniya na ganadong kumakain. Nag-angat siya ng tingin at nangisi.

"Ayos lang," wika niya habang nangingiti ng may ibang kahulugan. Naalala ko na naman tuloy ang tungkol sa halik kagabi. Nagbaba ako ng tingin upang hindi niya makita. Tinuon ko na din ang tingin ko sa pagkain.

"Ano pala ginagawa mo dito, sir?" tanong ko habang kumakain ng fries.

"May binili lang. Dito pala ang punta mo, sana sumabay ka na lang sa akin," wika niya.

Naku! Iniiwasan ko nga, sasabay pa kaya.

"Nagsimba pa po ako kanina, sir."

"Huwag mo nga akong tawaging, sir," wika niya.

"Ano ba ang dapat, amo kita kaya tawagin kitang, sir," sagot ko naman.

"Wala tayo sa bahay. At puwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko kahit nasa bahay tayo," aniya.

"Sige, hindi kita tatawagin na sir 'pag wala tayo sa bahay niyo," sagot ko. As if naman na lagi ko siyang tatawagin sa pangalan niya. Nagkataon lang na nagkita kami dito sa labas ngayon.

Nakita ko siyang ngumisi.
"Call me Carl or Aki as my friends call me."

"Aki, short for Akihiro na apelyido niyo sir?"

"Sir na naman? Yup, short for Aki, mas bagay daw 'yon sa akin dahil chinito ako," aniya. Nangingiti ako dahil napakanormal lang niya makipag-usap. Para lang akong kaibigan o kakilala niya na nakuwento pa niya ang mga bagay na 'yon. Tahimik lang ako at pasulyap-sulyap sa kaniya. Dahil bukod sa hindi ko matagalan ang tumitig sa kaniya ay wala din akong alam na sabihin sa kaniya.

"You're just 18, 'di ba dapat nag-aaral ka?" tanong niya bigla.
Tumango ako at nalungkot pero mabilis din akong nakabawi at nangiti.

"Matanda na kasi si nanay at ayaw ko na mahirapan pa siya sa pangangatulong mapag-aral lang ako," sagot ko.

"Sayang naman," tanging sagot niya.

"Ayos lang, Carl, ganoon talaga ang buhay ng isang mahirap," sagot ko. Tumitig siya sa akin. Gustuhin ko mang salubungin ang mga titig niya ay napapaso talaga ako. Nakita ko ang pagngiti niya ng nag-iwas ako ng tingin.

"May boyfriend ka na ba?"

"Ahm, bata pa ako para sa boyfriend," sagot ko. Ngumiti ulit siya, 'yong tipong manlalambot ang tuhod mo sa kilig dahil sa ngiting 'yon.

"Good," sagot niya.

"Baka mamaya kapag nag-boyfriend ka lolokohin ka lang. Dapat ang maging boyfriend mo eh 'yong seryoso at hindi ka lolokohin."

"Gaya ko," pahabol niya. Halos bulong lang 'yon pero narinig ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang ngumisi at kumindat.

Nailing ako at alam kong pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Teka, ano ang ibig niyang sabihin doon sa gaya ko na 'yan?

---YOU CAN READ THE COMPLETE STORY ON DREAME APP

DOWNLOAD DREAME APP AND SEARCH FOR THE TITLE OR MY USERNAME

TITLE: THE BILLIONAIRE'S MAID
AUTHOR: SHYNNBEE

Marupok Series: The Billionaire's Maid INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon