Kapag pabor nga naman ang sitwasyon sayo? Madali mo nalang malulusotan ang lahat.
Maswerte ako dahil walang tao sa bahay. Wala si Papa na parang nakalunok ng microphone kung pagsabihan ako. Wala si Mama na umaawat sa kaniya kapag nagagalit. Hayst. Gusto ko sanang araw araw makita si papa dahil medyo matagal tagal narin akong nangulila sa kaniya simula ng mamatay siya. Pero ngayon? Kailangan ko munang itago pagmumukha ko dahil sa ginawa ko kanina hehe.
Ramdam ko habang sumasayaw ang mga malulusog na eye bags sa mata ko dahil wala pa akong matinong tulog mula pa kagabi. Dahil kay Úno tsk!
Speaking of him? Buhay pa kaya 'yong mukong na 'yon?
"Sa tingin ko buhay pa 'yon dahil wala namang katawang nakita sa bangin."
"SINONG BUHAY!?"
"PATAY!!!!!!" napatalon ako sa sobrang gulat at naitapon ang backpack sa field.
"Oh? 'bat gulat na gulat ka?" Natatawang tanong niya saakin. Siguro nga mukha na akong katatawanan dahil sa hitsura ko. Pffft.
"Ikaw naman kasi bigla bigla ka nalang sumusulpot! Para kang si Seven tsk. Weirdong tumutubo kung saan saan!" Inis kong sabi.
Kumunot lang ang noo niya.
"Kanina ka pa kasi nagsasalitang mag isa. Sinong namatay? Sinong Seven?"
Napalunok ako sa tanong niya. Nagsimula nang kabahan ang mga tuhod ko dahil sa lukong 'to.Should I tell her?
No! Its not the right time.
"Ahh p-patay ako kay ms. Chanel, yong assignment ko kasi nawala. Inulit ko 'yon SEVEN times kaya masakit isiping nawala lahat." I nodded.
"Talaga? Kailan ka pa natotong magsulat ng homework? Don't worry dahil ginawan kita as usual, baka sabihin mo na namang plastik ako tsk."
"T-talaga!? You're the best girl best friend in the world!"
Inerapan lang niya ako at muling nagawi ang tingin sa mga gamit kong pakalat-kalat na sa field.
Gross!
May umiilaw na naman sa loob ng bag ko.
Tiningnan ko si Sanaya. Nakatingin run siya sa bag ko.
Patay! Another kabobohan strike.
"Ano 'yang umiilaw sa bag mo? Pati-" hindi ko na siya pinatapos sa kadaldalan niya. Tumalon ako ng mabilis patungo sa bag ko at pareho kaming nagulat ni sanaya nang maunahan kami ng kung sino.
"S-seven!?" hindi makapaniwala kong tugon.
"Kilala mo siya?" Sanaya.
Paktay! Another thing to explain grrrr. Pero mas mabuti na 'to dahil nawala atensyon niya sa packbag kong umiilaw gawa ng diaryng nasa loob nito.
"Ah k-kasi mahabang kwento. Kita nalang tayo mamaya sa room. Yong homework ko paki pasa nalang din. Salamat talaga, you're the best!"
"Pero tek-" hindi ko na pinakinggan pa sasabihin niya at agad na umalis.
Pagkatapos niyang pulotin ang lahat at mabilis ko siyang hinila kung saan. Maraming nakatingin saamin dahil sa sitwasyon namin ngayon. Para kaming mag jowa na naghihilaan sa hallway. But I don't give a what!
Isipin nila kung anong nasa utak nila!
Huminto kami sa tapat ng classroom.
Napansin nakatingin parin ang lahat saamin."Anong mali sa mga taong 'to? Bakit panay saksak ng matatalim na titig saamin?"
Salubong ang mga mata namin ni Seven at sabay napatingin sa baba kung saan hindi pa kumakawala ang mga kamay namin sa isa't isa.

YOU ARE READING
SEVEN
Misteri / Thrillerùno , dós, tres, quatro, cinco, sais, SEVEN and my name is Leigh Ann Kalingkingan and I am finding for nothing! Nagsimula ang lahat sa isang tradisyon na nagbunga ng komplikadong sitwasyon. Sa kagustohan kong mapabilang sa Royal Ace Media at pangar...