Pinasok ko na sa loob ng traditional box ang tatlong copies ng picture ko at nang library card ni Úno? Ewan ko kung sino siya pero malaking pasasalamat ang dapat kung ibigay sa kaniya. Heto at suot suot ko na ngayon ang AM VIP ID, it means? Kumbaga sa isang track and field, walang gasgas akong nakaabot ng finish line at heto 't nilalasap ko na ang tagumpay. I am officially an Ace Media member, Aja!
"Thanks to you Úno, sana makita kita para mapasalamatan he he." Kinikilig kong sabi.
Mayamaya 'y napalitan ng inis ang mga ngiti ko ng dumaan na naman ang malakas na hangin. Hayyy.
Wala akong nagawa kundi tuloyan nang pumasok sa room.
Nakalimutan ko, hindi ko pa nga pala alam kung ito ba room ko dahil bagohan palang ako dito at sa loob ng first 2 days namin sa school? Hindi ako pumasok dahil nga mas importanteng unahin ko muna ang Ace Media hindi ba? Hindi rin naman ako makakapagpatuloy ng pag-aaral kung hindi ko nakuha ang scholarship na 'to.
Pagpasok ko pa lang, ang ingay ingay na sa loob.
Nagpaikot-ikot ang paningin ko sa loob nang maingay at unorganized classroom na 'to. Hindi ko alam kung matatawag pa ba itong classroom kung gayong ang kalat at halos wala sa tamang lugar ang mga desk nila at higit sa lahat. Parang nasa peryahan lang ang lahat.
Habang nagmamasid, nagawi ang tingin ko sa isang babaeng naka upo lang sa gilid. Base sa hitsura niya, mukhang wala siyang kaibigan.
Sinamantala ko ang pagkakataong ito para lapitan siya.
"Excuse me, pwedeng magtanong?" Nagulat ata siya sa pagkakahawak ko ng braso niya dahil dilat ang mata niyang napatingin at napaatras.
"Ah pasensiya na kung medyo nagulat kita."
"S-sino ang kinakausap mo? A-ako?"
Napangiti ako at nilibot ang paningin sa paligid niya. "may ibang tao pa ba?" Biro kung sabi.
"L-leigh Ann? Sigurado ka bang kinakausap mo ako? B-baka nagkakamali ka lang. P-pasensiya na."
Balisa siyang tumayo at halos mabangga niya ang iba sa sobrang bilis niya palabas ng room.
"Gosh! Ang weird niya." Bulong ko.
"Leigh Ann! You must not come close to her. Nakalimutan mo na ba ang lahat?" Napaharap ako sa aking narinig.
Isang babae ngayon ang nakatayo sa harap ko. Base sa postura, pananamit at kilos niya. Napapansin kong hindi maganda ang tabas ng dila niya.
Pero teka? Kilala niya ako?
"Excuse me? Alam mo pangalan ko?"
Tumaas ang kilay niya."what? Anong klaseng tanong 'yan?"
"Pero kas......."
"Whatever! Nahahawaan ka na rin ata ni Sanaya. Tsk." Padabog siyang umalis at umupo ulit sa desk niya. Saktong natahimik ang lahat nang may dumating na teacher. Matangkad siya at sexy, pero simple lang manamit. I think siya siguro si Ms.Chanel ang homeroom teacher namin.
Nakaupo na ang lahat except me, dahil wala pa nga akong upuan diba? Kakarating ko lang at magtatanong na sana ako sa werido kanina pero bigla nalang tumakbo na parang pusang natatakot.
Speaking of her? Dumating na ulit siya at bumalik sa upuan. Sinundan ko siya ng tingin at sa awa ng diyos, bakante ang pitong upuan na katabi niya.
Mabilis akong umupo doon dahil baka matunaw na ako sa sobrang talas ng mga titigan ng lahat saakin. Hindi ko pa naman turn para magpakilala pffft.
Pag upo ko 'y ngumiti ako kay ms. weirdy nerd. Nagtaka na naman ako ng bigyan niya ako ng gulat at pagtataboyang titig. Hayy.
"Class 8, grade 12 students. Bring out your text book page 67. Mag re-review tayo ng lahat ng lessons natin dahil next week na ang evaluation for your 1st quarter examination."
YOU ARE READING
SEVEN
Misterio / Suspensoùno , dós, tres, quatro, cinco, sais, SEVEN and my name is Leigh Ann Kalingkingan and I am finding for nothing! Nagsimula ang lahat sa isang tradisyon na nagbunga ng komplikadong sitwasyon. Sa kagustohan kong mapabilang sa Royal Ace Media at pangar...