Chapter 1: Seven

8 1 0
                                    

Malakas ang ihip ng hangin na bumabalot ngayon sa corregidor. Nandito ako bilang isang desperadang tsismosa para mangalap ng tsismis. Ang corregidor na ito ay binabalot ng daang daang kwento, mula sa labas at sa loob ng abandonadong silid-aklatan na ito ay maraming misteryosong nakaukit na mula pa noong panahon ng mga hapon dito sa pilipinas.

"Kung gusto mong maging isang matagumpay na reporter at maging miyembro ng Ace Media. Mula sa loob ng Royal Ace Library (abandoned library) kumuha ka ng kahit anong bagay at dalhin mo saamin. Kumuha ka ng litrato mo at ng bagay na kinuha mo sa loob ng library at pagkatapos? Tapos na! Kasali ka na sa samahan ng mga magagling na manunulat ng Littleton Royal Ace University." Umiikot ikot parin sa utak ko ang lahat ng mga sinabi ng Royal President ng Ace Media.

Hindi talaga ako makapaniwala na sumisilip silip ako ngayon sa nasabing library para sundin ang gusto nila.

Nakakainis!

Ano bang kwenta ng gagawin kong ito sa samahan? Wala naman sigurong konektado sa trabaho namin ang mga kalokohang 'to? Pffft.

Huli na para pagsisihan ko kung bakit ko piniling maging miyembro ng Ace Media at huli na para mag back out.

Dahan dahan kong binuksan ang maalikabok na pintong patay na dahil halos isang dekada nang hindi nabubuksan.

Payakap kong hinawakan ng mahigpit ang camerang ipinadala ng team saakin at marahang hinila ang isang sirang arm chair na ihaharang ko sana ng pinto para hindi ito magsara at kung sakaling may mangyaring hindi kanais-nais ay makakatakbo ako sa labas ng mabilis.

Halos mapatalon ako sa gulat at habol hiningang naibagsak ang arm chair ng kusang magsara ang pinto. Dahil sa lakas nito 'y nakagawa ng isang nakakarinding tunog sa loob.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaganapang ito.

"B-baka hangin lang." Bulong ko sa sarili.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at nagpatuloy sa pangangalap ng kahit anong bagay na maari kong kunin sa loob ng library.

Nakapagtataka dahil kanina pa ako paikot-ikot sa loob ngunit wala akong makita. Kahit mga sira-sirang libro o bookshelves ay wala. Maliban na lamang sa arm chair na naibagsak ko kanina.

"Prank ba 'to? Wala nama........."

"HILAW!!!!!!"

Napasigaw at napatalon ako sa sobrang gulat ng may bumagsak na namang bagay sa likuran ko.

Dahil dito 'y nagsimula na namang kumabog ang buong katawan at puso ko.

Nanginginig kung kinuha ang cellphone ko at itinapat sa kung ano mang bagay na tumilapon sa sahig.

"L-libro?" Nagpatingin tingin ako sa paligid. "Saan naman nanggaling 'to?" Bulong ko.

Nong una 'y nagdalawang isip pa ako ngunit sa huli 'y napilitan rin akong dampotin ito.

Bukod sa kinakain na ako ng curiosity ko 'y pinulot ko ito sa palaisipang makakalabas na rin ako sa wakas.

Nakapagtataka dahil medyo mainit ang libro, mukhang kagagaling ata nito sa isang sunog dahil may mga parteng sunog na.

"P-pero wala namang nasunog d-dito ah?"

Isinantabi ko muna lahat ng katanongang nabuo sa utak ko 't agad na itinapat sa libro at mukha ko ang digital camera.

"Three shots? Okay I'm done!" Bulong ko.

Inayos ko na ang sarili ko 't tumingin tingin pa sa paligid bago tuloyang tinungo ang pintuan. Nasa ka bilang dulo iyon. Malawak kasi ang abandonadong librarong 'to, sadiyang nakapagtataka lang dahil walang ka laman-laman.

SEVENWhere stories live. Discover now