Chapter 4: Úno's case

3 1 0
                                    

Sumasakit ang ulo ko ngayon dahil hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na bumalik nanga ako sa nakaraan.

Buhay nga ang papa ko at sobrang saya ko ngayon dahil dito. Pero may pagaalinlangan parin sa puso ko. Gusto ko ang mga nangyayari dahil finally, tinupad na ng panginoon ang kahilingan kong makasama ulit ang papa ko pero may kakaiba parin sa mga nangyayari na hindi ko maiwasan mag alala.

Hindi ko muna iisipin iyon dahil susulitin ko talaga ang pagkakataong 'to para sa pamilya ko at syempre sa pangarap ko.

But for now? Kailangan kong makausap ulit si Sanaya dahil kailangan kong magkaroon ng kalinawan sa mga nangyayari.

Kailangan kong malaman ang tungkol kay Úno. Alam kong may alam siya dahil sa sinabi niya kahapon.

Maswerte nga naman ako 't nakasalubong ko siya habang palabas ng canteen.

As expected, nakita niya akong palapit sa kaniya kaya kunwaring may tiningnan sa bag bago bumalik sa kaniyang direksyon. Ginamit ko ang pagkakataong ito para habolin siya. Mas mabilis panga atang tumakbo ang pagong kaya walang kapagod pagod ko siyang naabutan sa field.

"SANAYA!" Sigaw ko 't naphinto siya. "Mag usap tayo."

"Wala na tayong dapat pag usapan pa Leigh Ann." Pag iiwas niya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadiyang saktan ka. Alam kong mahirap ipaliwanag ang lahat ngunit sana pakinggan mo naman ako."

"Tapos na ang lahat. Mas okay lang na kinamumuhian ako ng lahat. Huwag kang mag alala dahil kaya ko naman ang sarili ko."

Binawi niya ang kamay na hawak hawak ko 'saka naglakad ulit.

Kailangan ko siyang pigilan dahil kong hindi ko siya makakausap ngayon? Baka tuloyan nang malayo ang loob niya saakin at hindi ko pa malaman ang totoo.

"SI ÚNO, NASAAN BA SI Ú-ÚNO!?" dahil sa binanggit kong iyon ay napahinto siya.

Tumakbo ulit ako sa harap niya. "Nais kong malaman kong nasaan si Úno at kung anong nangyari sa kaniya?"

Hinila niya ako papasok ng covered court at hinarap.

"Ano bang nangyayari sayo? Ikaw ang dapat kong tanongin Leigh, kayo ang magkasama ni Úno noong gabing mawala siya." Hindi ko mawari ang gagawin ng marinig ko ang mga katagang binitawan niya.

Hindi ko kilala si Úno at wala akong matandaang nakasama ko siya. Pero kung makapagsalita siya parang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit ng ulo. Napaupo ako sa sahig at inalalayan naman niya ako.

kasabay nito 'y may mga ala-alang pumasok sa isip ko.

Ako at ang isang lalaking hindi ko masyadong makita ang mukha. Nagtatalo sa labas ng isang mansyon. Sa tansya ko 'y may nagaganap na selebrasyon. Kung gayon? Bakit nakikipagtalo ako sa lalaking 'to? Mayamaya dinampot ko ang kutsilyo sa lamesa at itinusok ito sa kaniya. Dumating ang isang babae at inawat ako. Binitawan ko ang kutsilyo at pinulot ito ng babae. Kasabay nito 'y dumating ang maraming bisita at kinunan ng litrato ang babaeng nakahawak ng kutsilyo. Tumakbo ng mabilis ang lalaki kasabay ng pagtawag ko sa pangalang Úno.

Mula sa pagkakahilo ay bumalik ulit ako sa sariling katinuan. Tila kakagising ko lang mula sa isang bangongot.

"S-sorry Sanaya. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasa........" She grabbed my hand at niyakap niya ako ng mabilis. Ngayon ay naiintidihan ko na ang lahat.  Ang mga ligaw na ala-alang iyon ang dahilan kung bakit si Sanaya ang sinisisi ng lahat dahil siya ang nakita ng lahat na may hawak ng kutsilyo.

SEVENWhere stories live. Discover now