Chapter 2: Ùno

5 1 0
                                        

Pagkatapos ng nakakapangilabot na paglalakbay ko sa abandoned library, heto at nasa Ace Media building ako at naghihintay na papasokin ng RP.

Honestly, mas matindi ang kaba ko ngayon. Nagtatalo ang utak at puso ko dahil sa mga sinabi saakin ni seven ata yon? Ewan ko dahil hindi ko naman siya gaanong binigyang pansin. He's weird and I am thinking now if I should believe him.

Sinabi niyang huwag ko daw sasabihin kahit kanino at maging sa RP ng AM ang mga natuklasan at naganap kahapon saakin. Kalakip nito 'y huwag ko din daw ipakita ang libro at 7 pictures na nakuha ko.

Paano ko naman sasabihing wala akong ginawa kahapon kung pinapanood nga nila ako diba? Baka sabihin nilang sinungaling ako at maging sanhi pa ito upang hindi nila ako tanggapin sa team.

Ibinigay ko ang lahat. My dignity, pride at isinaalang-alang ko rin ang kaligtasan ko matanggap lang.

Naaalala ko pa noon kung paano ako nangako kay papa na maging scholar at maging mabuti at tanyag na Reporter katulad niya. I can't afford to abandon that promise.

"Ms. Kalingkingan. Pasok ka na raw sa loob."

Pinayapa ko ang utak ko at huminga nang malalim bago tuloyang sumunod sa babae. Sa tansya ko 'y assistant siya ng RP.

Diyos ko, this is just an ordinary media broadcasting organization ng university ngunit kinakabahan na ako sa takot at pagdadalawang isip. Paano pa kaya kapag nasa field na talaga ako ng news media or ng broadcasting company? Hayyy.

Bahala na si Banker, this is the path I want to pursue kaya dapat panindigan ko.

Pagpasok ko pa lang, nakaupo na sa desk niya ngunit nakaharap na ang RP saakin. His colored blue eyes directed to me. Napapalunok na lang ako.

Kailangan ko na talagang matutunan ang mga katagang 'go with the flows'.

"Have a sit!" He said calmly.

"Thank you s-sir?"

"Come on! Don't call me sir, I am just your senior and besides? Pareho lang naman tayong estudyante dito. Just be casual, you can call me senior france, or RP senior."

Ngumiti lang ako sa kaniya at nag vow. To be honest, nilalamon na ako ng kaba. Kung pwedeng magpalamon nalang ako sa lupa 'y gagawin ko makaiwas lang sa kaniya.

"Let's talk about your application. Alam mo naman siguro na may tradisyon kaming sinusunod bago tumanggap ng bagong miyembro hindi ba?"

"Y-yes sir- ah I mean RP senior."
Sucks, bakas sa mukha niya ang pagpipigil nang tawa dahil sa mga ikinikilos ko.

"Pero pwede bang saakin nalang yong libro at mga litratong nakuha ko. n-naiwan ko kasi sa b-bahay eh medyo malayo din dito sa city. Total may v-video naman kayo saakin diba? Baka pwedeng iyon nalang ang maging basehan ninyo na ginawa ko talaga ang tradisyon ng AM."

Mula sa pagpipigil na tawa 'y tuloyan nanga niya akong pinagtawanan. Para na siyang batang nakakita ng nakakatawang cartoon show.

Kainis!

"Kinakabahan ka ba?"

"M-medyo po."

"Hayst. Ano bang libro at litrato ang pinagsasabi mo? Wala naman akong maalalang may pinakuha sayong libro at mas lalong walang video. Bakit ka namin kukunan ng video? Alam naman naming nasa broadcasting filed tayo at alam natin na may kaso ang pagkuha ng litrato o video ng iba without his/her consent. Kaya bakit namin gagawin iyon?"

Halos lumabas na ang mga mata ko sa gulat.

"Senior RP, nagkakamali kayo dahil pinapunta ninyo ako sa Royal Ace Library at may nak..........."

SEVENWhere stories live. Discover now