CHAPTER 49

1K 43 13
                                    

Three chapter ang pinublish ko dahil special ang araw na ito sa akin kasi it's my day. It's exactly December 28, 2020 🤗 Happy Birthday self 🎂. Welcome to legality 🤗 Pwede na ako mag-jowa 🤣. Baka gusto niyo po bumati sa 'kin 🤧. Huwag po kayong mahiya para naman buo ang araw ko dahil may mga reader akong nagpaparamdam sa akin na palagi silang nand'yan. I love you 💚.

P. S. Mas maa-appreciate ko 'yong isang reader kung babatiin ako sa private message (here in wattpad). Char HAHAHA.

Enjoy Reading 💓

***

Chapter 49:

Binitiwan ko ang hawak na libro at tumingin ako kay Dale na nakapikit ang mga mata nito habang nakasandal sa malaking puno kaya dahan-dahan akong lumapit dito para sumandal sa dibdib niya patagilid.

Gumalaw ito sa kanyang kinauupuan at naramdaman kong hinawakan niya ang baywang ko pausog sa kanya kaya tumingala ako dito ngunit nakapikit ang mga mata niya. Hindi na lang ako kumibo na minasdan ang paligid namin at nadidinig ko ang agos ng talon dito sa secret garden at nadidinig din nang kanang tainga ko ang pagtibok ng puso ni Dale.

Bumuntong-hininga na lang ako kasabay ng pagtingin sa langit na malapit nang magdilim at heto kami na hindi pa rin bumabalik sa dorm namin para magpahinga. Isa pa nag-e-enjoy akong kasama ang asawa ko dito.

"Wife?" Tawag niya.

"Hmm?" Sagot ko.

"Three days from now ay nalalaman na natin kung sino ang nasa likod ni Aubrey kung bakit siya nakapasok sa BU. Asahan mo complete details ang ibibigay ng mga Knights." Lumayo ako dito para matignan siya sa mata kasabay ng pag-ngiti ko.

"Thank you." Malambing na ani ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Silly. You're my wife. Handa kong gawin ang lahat para sa 'yo." Hinalikan nito ang noo ko ng tumingin ulit ako sa kanya.

Sinabi ko dito kaninang tanghali na nakaharap ko na si Aubrey at agad naman niya inutusan ang mga Knights na alamin ang tungkol sa bruhang iyon. Kaya hindi ko maiwasan magpasalamat sa asawa ko dahil lahat ng gusto ko ay binibigay niya at kontento na ako doon.

"I think we should go to our dorm." Suhestyon niya kaya napatango na lang ako.

Nauna itong tumayo sa 'kin dahil inilagay ko muna ang libro ko sa loob ng bag bago ayusin ang damit ko. Dahil nakalahad ang kamay ni Dale sa 'kin ay tinanggap ko iyon para tumayo na ako.

Magkahawak ang kamay namin paalis sa secret garden at habang naglalakad kami ng daan ay sinabi niya sa 'kin sa cafeteria kami mag-dinner dahil bukas naman iyon hanggang alas-otso ng gabi.

Sa loob ng BU ay nasa tatlo ang cafeteria. Para sa high school, college at faculty dahil hindi lahat ng mga tao ay kakasya lang sa isang cafeteria. At sa faculty kami pupunta ngayon.

Ngayong gabi na ay nakikita ko ang kagandahan ng buong paligid. Parang isang city lang ang kinalalagyan namin dahil bawat nadadaanan namin ay mga dim lights ang nagbibigay liwanag sa bawat kalsada. At nang tumingala ako sa bawat dormitory ng mga high school ay parang hotel iyon tignan dahil halos nakabukas na ang mga ilaw sa bawat kwarto no'n.

Hindi nakakapagduda na mayaman ang founder ng unibersidad, isa pa ay sinisigurado ng BU na bawat estudyante dito ay masusulit ang kanilang pag-aaral at pananatili dito.

Pagkapasok namin ng cafeteria ay mabibilang sa darili ko ang mga taong kumakain ngunit nang nakita nila kami ni Dale ay nagsitayuan silang lahat para yumuko sa amin kaya napangisi ako sa isip.

They should really know how to bow to us.

Agad naman kami inaasikaso ng isang tagapamahala ng cafeteria na binigay sa amin ang gusto naming kainin.

My Husband Is A Gangster King: QueenInHisHeartWhere stories live. Discover now