CHAPTER 36

9.2K 150 19
                                    

Chapter 36:

Iba't ibang kabanata ang kinahaharap natin sa tuwing tayo ay naglalakabay sa mundong ito.

Maraming nagbabago sa tuwing dumadaan ang mga araw, linggo at buwan. Ngunit ang kailangan mo lang ay maki-ayon sa agos ng mundo kahit marami kang dinadaanan na tinik sa buhay.

Dahil naniniwala ako na ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong hakbang sa hinaharap ng buhay mong hawak ngayon.

"Ang lalim ng iniisip ng asawa ko." Napangiti ako ng may yumakap mula sa likod ko.

"Ikaw lang naman ang iniisip ko." Dahil sa sinabi ko ay pinihit ako ni Dale paharap sa kanya kaya mas napangiti ako ng hinalikan niya ako ng mabilis sa labi.

Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil wala siyang suot na damit pangtaas at may tumutulo pa sa katawan niya na tubig mula sa buhok dahil katatapos pa lang nito maligo.

Isinandal niya ako sa hamba ng veranda na walang salitang niyakap ako ng mahigpit.

"I love you, Empress." Bulong niya sa tainga ko.

"I love you too, Valorous King." Tinitigan ko ang mukha niya at hinawakan ang magkabilang pisngi na walang pag-aalinlangan na hinalikan ito sa labi.

"Bumaba na tayo." Napatango ako sa sinabi niya kaya sabay kaming pumasok sa kwarto.

Nagsuot muna ng damit ang asawa ko bago kami lumabas ng silid at tinahak ang hagdanan pababa.

Pagkababa pa lang namin ay agad akong nakaamoy ng cookies kaya napailing na lang ako na dumiretso sa kusina ng mansion namin habang lumapit naman si Dale sa mga kaibigan niya na nasa sofa na nanonood ng tv.

"At sinong may sabi sa inyo na pwede niyong pakialam ang kusina." Agad kong tinaasan ng kilay ang dalawang babae na abala sa kanilang ginagawa.

"Ang tagal niyo kasing bumaba kaya nangialam na kami." Kibit-balikat na turan ni Criza habang inilalagay ang cookies sa plato.

"Buti na lang ay may lulutuin sa kusina niyo kaya hindi nakakabagot," nakita kong pinatay na ni Riegh ang oven at lumapit sa 'kin na kinabigla ko dahil hinalikan ako nito sa pisngi. "Salamat sa pagpapahiram sa kusina Ate Max." Sinundan pa nito ang pagtawa kaya napangiwi ako.

"Sa susunod huwag kayo pumunta sa mansion namin kung mangingialam kayo sa kusina namin." Kunwaring seryusong saad ko ngunit binaliwala lang ako ng dalawang gaga.

"Whatever Maxine." Turan ni Criza na umalis na sa kusina na dala ang plato na sumunod naman si Riegh kaya naiwan akong mag-isa.

Napailing na lang ako na lumapit sa island counter na nakita ko ang kalat ng gamit dahil sa pagbaked nila. At isa ito sa mga dahilan kung bakit binibiro ko sila na huwag pakialam ang kusina kung hindi nila alam linisin ang kalat.

Agad kong nilinis ang island counter na nilagay sa garbage bag ang lata ng condensed milk na ginamit nila at pinunasan ko ang natuyong harina kaya medyo nagtagal ako na napapailing na lang.

Nang natapos na ako sa paglilinis ay pumunta na ako sa living room at nakita kong abala sila sa panonood kaya lumapit ako sa mahabang sofa na tumabi kay Criza.

"Feel at home lang?" Bara ko rito agad.

"Syempre dahil minsan lang kami bumisita rito." Lumingon ito sa 'kin na tumingin ulit sa TV.

"Nasaan pala ang mga boys?" Tanong ko dahil silang dalawa lang ang nandito sa sala.

"Nasa Darker Play Room sila." Napatango na lang ako sa sagot ni Riegh na naka-upo naman sa pang-isahang sofa kaya kumuha ako ng isang cookies na nakalagay sa maliit na lamesa na nasa harapan.

My Husband Is A Gangster King: QueenInHisHeartWhere stories live. Discover now